PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement

Magkano na kaya ang presyo?
by KC Cordero
Published Jun 13, 2023
Photo of the cents
Yari pa sa tanso ang mga sentimo at nakalagay sa bag banks ng mga bangkong ang iba ay sarado na ngayon. Magkano na kaya ang presyo ng mga sentimo na tinatayang nasa isang milyong piraso?

Naglilinis si John Reyes sa bahay ng ama ng kanyang misis na si Elizabeth sa Pico-Union, Los Angeles, California noong isang taon nang madiskubre nila ang mga bank bags na naglalaman ng mahigit isang milyong piraso ng penny o isang sentimo (US$ one cent) sa basement.

Ang bahay na pag-aari ng biyenan ni John na si Fritz ay naitayo noon pang early 1900s.

Dito tumira si Fritz at isang kapatid na lalaki. Pareho silang German immigrants.

Ginamit ng magkapatid sa negosyo at ginawang traveler’s inn.

Nang pumanaw si Fritz, iniwan na rin ng kapatid nito ang bahay.

Sa mga nakalipas na taon, nililinis ni John at ng mga kapamilya ng kanyang misis ang bahay.

Plano nilang i-renovate ito para magamit ng kanilang mga susunod na henerasyon.

Read also: VIRAL: 3D artist na gumuhit ng realistic PHP1,000 bill, dinadagsa na ng raket

MGA SENTIMO SA BASEMENT NAKAIMBAK

Ayon kay John ay mahirap linisin ang bahay dahil punung-puno ito ng mahahalagang items na nakahihinayang itapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya ay kung anu-anong mga bagay ang iningatan doon ni Fritz na kailangan din nilang sinupin.

Iyon ang dahilan kaya inabot ng ilang taon ang ginagawa nilang paglilinis.

Nang nasa basement na sila na sobrang sikip din sa dami ng nakaimbak na gamit, nakakita muna sila ng mga nakakalat na sentimo sa sahig.

Hanggang sa makita nila ang mga bank bags na punung-puno ng mga sentimo.

Read also: Brazilian photog may perfect shot sa Christ the Redeemer na tila nasa palad nito ang buwan

Photo of the cents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years

Ayon kay John, karamihan sa mga bangkong nakasulat ang pangalan sa bank bags ay hindi na nag-o-operate o sarado na.

Noong una ay napuno sila ng excitement dahil sa natagpuang “kayamanan.”

Later on, na-realize nilang magiging burden pala ito sa kanila.

Nahirapan silang ilabas mula sa basement ang mga bags ng sentimo. Inabot sila ng isang araw.

Tatlong bags muna ang kanilang binuksan.

Natuklasan nilang ang mga sentimo ay yari sa copper, at hindi sa zinc.

Noong 1980s, inihinto na ng United States ang paggamit ng copper sa produksyon ng mga sentimo at sa halip ay zinc na ang ginamit.

Read also: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

MAHIRAP IBENTA ANG MGA SENTIMO

Para naman matukoy nina John kung ilang pirasong sentimo ang kanilang na-discover, binilang nila ang laman ng isang bag at saka tinimbang.

Batay sa dami ng bags, sa kanilang pagtatantiya ay nasa isang milyong piraso ng sentimo ang lahat ng iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tanong nila ngayon sa isa’t isa, ano ang gagawin sa mga sentimo?

Ang kanilang nagkakaisang opinyon—ibenta.

Naisip nila ang isang kumpanya na nagko-convert ng coins sa banknotes.

Pero dahil kailangan nilang magbayad sa kumpanya ng eight percent ng halaga ng mga sentimo, isinantabi muna nila ang idea.

Read also: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

Nagtawag naman sila sa mga bangko sa Los Angeles kung may magiging interesado sa mga ito.

Isang branch ng Wells Fargo, isang American bank, ang tumanggi dahil wala umanong paglalagakan ang mga ito ng sentimo.

Huwag din umanong dadalhin sa kanila dahil hindi ie-entertain si John.

Read also: Oops! Lalaki sa sex game, itinali at iniwan ng babae sa kakahuyan

WORTHLESS, PERO MAY VALUE KUNG MAY ‘ERROR’

Ang ginawa nina John ay ibiniyahe nila ang mga sentimo sa Ontario, California, kung saan sila nakatira.

Nang magtanong na sila sa mga local bank doon, ayaw ring bilhin ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip, pinayuhan sila na siyasating mabuti ang mga sentimo at baka may mga rare coins na mas mataas ang presyo.

Ang 1980 penny, o ang Lincoln memorial cent, ay may value na US$0.01.

Read also: BSP naglabas ng kauna-unahang colored commemorative coin set

Photo of the cent

Read also: “Smiling lessons” inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing ito na “worthless” pero may mga 1980s sentimo na maaaring mabenta ng hanggang US$1,000 kung nagtataglay ng kakaibang feature o kaya ay error sa production nito kaya naging valuable.

Ani John, nakababasa siya ng mga kuwento ng mga tao na nakatagpo ng barya na nasa US$2 million ang halaga.

Pero sila na milyong piraso ang hawak, walang nagkakainteres na tingnan man lang.

At dahil matagal na sa kanila ang mga sentimo, inilista iyon ni John sa OfferUp, isang popular resale app and website.

Inilagay niya ang US$25,000 (PHP1398112.50) bilang asking price.

Mahigit doble ito kumpara sa US$10,000 na halaga ng mga sentimo sa normal currency.

Pero binabarat naman sila sa tawad ng mga nagkakainteres na bumili.

Ang iba ay ilang piraso lang ang gustong bilhin.

May nag-offer din na bilhin batay sa kasalukuyang presyo ng por kilo ng tanso—na tinanggihan ni John.

Read also: Mystery solved: President Sergio Osmeña's biological father identified via DNA testing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GENERATIONAL WEALTH NG PAMILYA

Wala pang serious buyer hanggang ngayon ang milyong piraso ng sentimo.

Ayon kay John, ang halaga ng mga ito ay nakasalalay sa pagiging unique ng mga barya at kung paano ito inipon ng kanyang father-in-law.

Aniya, alam ni Fritz ang value ng metals.

Nang ihinto na ng US ang paggamit ng copper sa mga sentimo, ani John ay nakita ni Fritz ang oportunidad na makapagpundar ng generational wealth para sa pamilya nito.

Nagtrabaho ang kanyang biyenan bilang butcher sa Hollywood sa loob ng mahabang panahon.

Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients

Photo of the cents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Google ide-delete ang Gmail accounts na 2 years nang inactive

Tuwing suweldo, bumibili ito sa mga bangko ng copper pennies dahil alam nitong tataas ang halaga ng mga iyon pagdating ng panahon.

Hindi nagmamadali si John na mabenta ang naiwang pamana ng kanyang biyenan para sa pamilya nito.

Alam niyang sa hinaharap ay may collector na handang magbitaw ng pera para sa mga sentimong sa ngayon ay wala pang naibibigay sa kanya maliban sa sakit ng ulo.

Firm din ang kanyang deal—kailangang nasa tama ang presyo, at ang buyer mismo ang magta-transport ng napakabigat na mga sentimo.

Read also: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yari pa sa tanso ang mga sentimo at nakalagay sa bag banks ng mga bangkong ang iba ay sarado na ngayon. Magkano na kaya ang presyo ng mga sentimo na tinatayang nasa isang milyong piraso?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results