Pinaglalamayan na si Bella Montoya, 76, sa central city of Babahoyo, Ecuador ng kanyang mga mahal sa buhay noong June 9, 2023 nang maganap ang isang kakatwang pangyayari.
Sa gitna ng pagdadalamhati, nakarinig ang mga present sa lamay ng mga katok mula sa ataul.
Bagaman at nagugulumihanan sa nangyayari, binuksan ng mga ito ang ataul.
Ayon sa isang anak ni Bella na si Gilberto Barbera, nasa 20 katao sila sa lamay.
Limang oras na umano sila roon nang makarinig sila ng mga katok sa ataul.
Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay

Read also: VIRAL: 3D artist na gumuhit ng realistic PHP1,000 bill, dinadagsa na ng raket
Aniya, nang mabuksan nila ang ataul, nakita niya ang kanyang ina na nakabalot sa tela at kinakatok ang gilid ng ataul.
Hinahabol din nito ang paghinga.
Pagbabahagi pa ni Gilberto, although natuwa siya na buhay pa ang kanyang ina, "It gave us all a fright!"
Iniimbestigahan na ngayon ng pamahalaan ng Ecuador ang insidente, at ang ospital kung saan ginamot si Bella.
Napag-alaman na dating nurse si Bella.
Na-admit siya sa ospital noon ding June 9 dahil sa possible stroke and cardiopulmonary arrest.
Read also: Brazilian photog may perfect shot sa Christ the Redeemer na tila nasa palad nito ang buwan

Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years
Ani Gilberto ay unconscious ang kanyang ina nang dalhin nila noon sa emergency room.
Makalipas ang ilang oras, idineklara na ngang patay ng isang doktor si Bella.
Hindi na umano ito nag-respond sa resuscitation protocol.
Ibinigay rin kay Gilberto ang identity documents at death certificate ni Bella.
Hanggang nangyari nga ang bizarre incident na kumatok ito sa sariling ataul habang pinaglalamayan.
Matapos namang maialis sa ataul si Bella ay dinala ito sa intensive care unit ng Martin Icaza Hospital sa Babahoyo.
Read also: Unfinished Amorsolo painting, sino nga ba ang modelo?

Read also: Oops! Lalaki sa sex game, itinali at iniwan ng babae sa kakahuyan
Sa nasabing ospital rin ito unang ginamot.
Sinimulan na rin ng Health Ministry ng Ecuador noong June 12 ang pag-iimbestiga sa mga doktor na nagdeklarang patay na si Bella.
Wala ring inilabas na detalye tungkol sa doktor na nagkamali sa pagdedeklarang patay na ang pasyente nito.
Nagbuo naman ng technical committee na sisilip kung paano ang proseso ng ospital sa pag-iisyu ng death certificate.
Read also: Eligible Filipinos puwede nang bumiyahe sa Canada kahit walang visa
Ayon naman kay Gilberto, under intubation sa ngayon ang kanyang ina.
Sinabihan din siya ng mga doktor na kasalukuyang tumitingin dito ngayon na nananatiling malubha ang lagay ni Bella.
Pinayuhan din siya at iba pa niyang kapamilya na huwag nang masyadong aasa na makaka-survive pa ito.
Naghihintay na lang umano si Bella ng takdang oras ng tunay na pamamaalam nito sa mundo.
Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients