Isinugod sa ospital ang isang lalaking performer na nakasuot ng Miami Heat mascot matapos sapakin ni Conor McGregor.
Naganap ito sa half time ng Game 4 sa pagitan ng Miami Heat at Denver Nuggets sa National Basketball Association championship last June 11, 2023.
Isang publicity stunt ang nangyari na hindi inakalang sa ganitong sitwasyon mauuwi.
Ang mascot ng Heat na si Burnie ay nakasuot ng oversized gold boxing gloves.
Read also: Lola na pinaglalamayan, kumatok sa ataul; buhay pa pala

Read also: Trans woman in Batangas “weds” boyfriend; says, “Tinatrato ako na babae.”
Lumapit siya sa Irish mixed-martial artist na si Conor.
Nagpakawala ang former UFC champion ng left hook na nagpatumba sa mascot.
Habang nakahandusay sa court, sinuntok pa ito ni Conor ng isang beses.
Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay


Read also: VIRAL: 3D artist na gumuhit ng realistic PHP1,000 bill, dinadagsa na ng raket
Hinila naman ng tatlong tao si Burnie palayo sa court habang ini-spray ni Conor ng itim na bote.
Ang publicity stunt ay para i-promote ang hawak ni Conor na pain relief spray.
Sa kasamaang palad, napag-alaman na ang taong nasa loob ng mascot suit ay dinala sa emergency room sa isang malapit na ospital para gamutin.
Ininda nito ang natanggap na sapak mula sa former UFC champion.
Ayon sa Miami Heat office, ang mascot na empleyado ng franchise ay sinaksakan ng pain reliever at pinauwi na rin sa bahay nito para magpahinga.
Hindi na sinabi ang pangalan ng performer sa mascot.
Ang mascot na si Burnie ay isinasalarawan bilang "rough, anthropomorphic depiction of the fireball featured on the Heat's logo."
Read also: Brazilian photog may perfect shot sa Christ the Redeemer na tila nasa palad nito ang buwan

Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years
Kinuwestyon naman ni UFC president Dana White ang ganitong klase ng publicity stunts kung saan ang mga mascots ay nakakatanggap ng sapak mula sa professional fighters.
Ayon kay White, “It doesn't seem like the brightest thing in the world."
Noong 2018, si former world heavyweight boxing champion Deontay Wilder ay naimbitahan para ipakita ang kanyang punching power sa isang hotdog mascot.
Nabasag ang panga ng taong may suot ng hotdog costume matapos matanggap ang sapak ng boxing champion.
Read also: Pagiging Top 1 sa board exams, advantage ba sa job hunting?
Ayon kay White, pareho niyang nasaksihan ang insidente kung saan nanapak ng mascots sina Deontay at Conor.
Aniya, expected nang masasaktan ang mga mascots lalo pa at sa mukha ang mga ito tinatamaan ng sapak ng mga professional fighters.
Hindi umano niya maintindihan kung bakit kailangang gawin iyon, kesehodang publicity stunt lang naman.
Komento pa niya, ang costume naman ng mga mascots ay hindi ganoon ka-sturdy.
Walang inilabas na pahayag ang kampo ni Conor sa nangyari.
Ang former UFC champion ay hindi pa uli sumasalang sa ibabaw ng ring matapos mabalian ng kaliwang paa sa laban kay Dustin Poirier noong July 2021.