PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Laguna Lotto Winner, PHP55M for Sick Parents

Laging lucky pick, hindi nag-aalaga ng numero
by KC Cordero
Published Jun 15, 2023
The lotto winner claiming his prize
Paisa-isang tiket lang kung tumaya sa lotto ang bagong milyunaryo sa pamamagitan ng lucky pick. Si Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel A. Casas ang nag-abot ng kanyang premyo. “Hindi po talaga ako nag-aalaga ng numero. Ang katuwiran ko po, kapag suwerte ka mananalo ka kahit isa lang ang itaya mo.” (Photo courtesy of PCSO)

Isang binata na taga-San Pedro, Laguna ang masuwerteng napanalunan ang Grand Lotto 6/55 jackpot na nagkakahalaga ng PHP55,394,255.40 para sa May 6, 2023 draw.

Natamaan niya ang winning combination na 04 - 16 - 26 - 24 - 14 – 47.

Sa panayam sa kanya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naka-post sa official Facebook Page ng ahensya noong June 7, sinabi ng lotto winner at bagong milyunaryo na mahigit 10 years na siyang tumataya.

Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay

The lotto winner claiming his prize

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: VIRAL: 3D artist na gumuhit ng realistic PHP1,000 bill, dinadagsa na ng raket

Hindi rin niya inakala ang unexpected blessings na darating sa kanya.

Aniya, marahil ay nasa side niya ang suwerte nang araw na iyon dahil PHP20 lang ang itinaya niya, at nag-lucky pick (LP) pa siya—ang sistema na ginagamit niya simula nang maging mananaya siya sa lotto.

Pagbabahagi ng jackpot winner, “Hindi po talaga ako nag-aalaga ng numero.

“Ang katuwiran ko po, kapag suwerte ka mananalo ka kahit isa lang ang itaya mo.

“At ito nga po, pinalad na po akong manalo ng jackpot sa mahigit na sampung taon na pagtangkilik ko sa lotto.”

Hinikayat din niya ang iba na subukan ang suwerte at tumaya kahit paisa-isang kumbinasyon lang.

Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years

The winning lotto ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Pagiging Top 1 sa board exams, advantage ba sa job hunting?

Plano niyang gamitin ang pera sa pagpapatayo ng kanyang dream house.

Ipagagamot din agad niya ang kanyang mga magulang na may sakit.

At dahil binata, susubukan din niya ang magnegosyo para sa future ng kanyang mga pamangkin.

Read also: Ginang na isa sa jackpot winners ng PHP82M sa Lotto 6/42, hindi pa alam ang gagawin sa kanyang milyones

MGA PAALALA SA PAG-CLAIM NG PREMYO SA PCSO

Samantala, sa ilalim ng Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa petsa kung kailan binola ang kanilang napanalunan para makuha ang kanilang premyo.

Kung hindi makuha sa itinakdang palugit, magiging forfeited ang premyo at ilalagak ito sa PCSO Charity Fund.

Ipinaaalala rin ng PCSO na ang premyo na mahigit sa PHP10,000.00 ay kakaltasan ng 20 percent, alinsunod sa TRAIN Law.

Read also: Eligible Filipinos puwede nang bumiyahe sa Canada kahit walang visa

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para ma-claim ang jackpot prizes, ang mga winners ay kailangang isulat ang kanilang pangalan sa likod ng winning tickets at lagdaan.

Kailangan din nilang magpakita ng dalawang (2) valid government IDs sa PCSO Main Office, Mandaluyong City.

Tiniyak naman ng PCSO na confidential ang personal information ng lahat ng jackpot winners para sa kanilang kaligtasan at seguridad.

Read also: Ilang nangutang sa online lending apps, pinadalhan ng korona ng patay at ataul

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paisa-isang tiket lang kung tumaya sa lotto ang bagong milyunaryo sa pamamagitan ng lucky pick. Si Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel A. Casas ang nag-abot ng kanyang premyo. “Hindi po talaga ako nag-aalaga ng numero. Ang katuwiran ko po, kapag suwerte ka mananalo ka kahit isa lang ang itaya mo.” (Photo courtesy of PCSO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results