Kahit walang green thumb ay pwede pa ring ma-enjoy ang mga halaman.
Ito ang naisip ni Lisa Harvey, isang 45-year-old mom at personal assistant for children with special needs.
Ayon kay Lisa, na mula sa Surrey, England, hirap na hirap siyang makabuhay ng halaman. Kadalasan ay namamatay lang ang mga itinatanim niya.
At dahil naiirita na siya sa palagiang pagkatuyot ng kanyang mga tanim, nakaisip siya ng kakaibang paraan para maresolba ang kanyang problema.
Ang pinakamagandang paraan para magmukhang maberde at malusog ang kanyang mga halaman ay hindi ang regular na pagdidilig sa mga ito at paglalagay ng pataba sa paso na kinatataniman.
Sa halip, ginamitan niya ang mga ito ng green spray paint.
Nag-viral si Lisa matapos niyang ibahagi sa social media ang kakaibang solusyon na ito.
Read also: Binatang taga-Laguna, wagi ng PHP55M sa lotto; ipagagamot ang maysakit na parents

Read also: Taxi driver in Tondo becomes successful businessman in Brunei
INNOVATIVE SOLUTION
Pagtatapat ni Lisa, naisip niya ang idea dahil hindi nga siya masyadong makabuhay ng mga halaman—at mahilig pa naman siya sa plants.
Sa katunayan, bumibili pa siya ng fake plants and flowers.
Ang dalawang halaman na natutuyot sa kanyang garden ang tangi niyang napalaki—at ngayon nga ay namatay pa.
Noon na siya nagdesisyon na pinturahan ang mga ito.
Dahil aniya sa ginawa niya, may naging silbi ang dalawang tanim niya dahil mukhang buhay na buhay pa ang mga ito.
Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor
Sinubukan muna ni Lisa na mag-spray ng berdeng pintura sa dalawang halaman na kulay brown at tuyo na.
Nang matapos, ang ganda nga naman ng resulta.
Mukhang buhay na buhay at malulusog ang mga tuyot na halaman.
Ibinahagi niya ang kanyang gardening hack sa social media. Agad nakakuha ng libu-libong likes ang kanyang post at nai-share na rin ng iba't ibang media outlets.
Read also: Trans woman in Batangas “weds” boyfriend; says, “Tinatrato ako na babae.”

Read also: Lola na pinaglalamayan, kumatok sa ataul; buhay pa pala
Biniro pa umano siya ng kanyang mister na ang weird ng naisip niya.
Sagot naman niya rito ay “quick” ang naisip niyang paraan para ma-save kahit pansamantala lang ang kanyang mga halaman.
Hindi rin naman siya nagastusan nang todo sa pintura dahil nasa four euros (PHP280.11) lang ang nagastos niya sa pintura, at may natira pa sa lata.
netizens react
Matapos maibahagi sa social media ang kanyang kakaibang gardening hack, inulan ng mga komento si Lisa dahil sa kanyang “creativity.”
Ayon sa isang nagkomento, ang galing ng idea. Gagamitin umano nito iyon para sa mga damo sa garden na sinira ng mga aso nito.
Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay
Isang nagkomento naman ang nagsabing gagayahin ang ginawa ni Lisa pagsapit ng weekend. Yun nga lang, baka mga 10 lata ng pintura ang magamit nito sa mga tuyot nitong halaman.
Isa naman ang nagpayo kay Lisa na i-post ang idea sa mga gardening groups.
Nasorpresa tuloy si Lisa sa dami ng nagka-interes sa kanyang gardening hack.
Aniya, hindi niya inakala na magiging viral iyon at ituturing na genius and funny idea.
Ang iniisip niya ay makakakuha lang iyon ng ilang likes at komento.
Higit sa lahat, natuklasan din niya na maraming gaya niya na plantito at plantita na mahilig maghalaman pero hindi naman makabuhay.
Ani Lisa, “So glad I’m not the only one."
Read also: VIRAL: 3D artist na gumuhit ng realistic PHP1,000 bill, dinadagsa na ng raket
