PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Babae, nag-request na alisin ang 'trash lady' sa pic

“I don't like the orange in the picture."
by KC Cordero
Published Jun 16, 2023
The photo
Ikinatuwa ng netizens ang ginawang pagretoke ng graphic designer sa larawan ng babaeng nag-request na alisin ang “trash lady” sa background dahil ayaw niya ng kulay orange. (Photo courtesy of @fjamie013 on Twitter)

Nauso ang paghingi ng pabor sa mga kakilalang graphic designer o kaya ay Photoshop expert na i-edit ang picture.

Mayroon kasing ang gusto ay mas malinaw ang picture, o kaya ay may nais na ipabura sa larawan dahil nakakasira sa eksena.

Isa sa madalas hingan ng pabor para sa ganitong bagay si James Fridman, isang British graphic designer.

Kilala siya na pinagbibigyan ang requests ng mga Twitter users na i-alter ang kanilang larawan.

Read also: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman

James Fridman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Sikreto ni Alexander Bandiola Jr. kaya naging Top 1 sa 2023 CPA board exam

Gayunpaman, ang ginagawang pag-edit ni James ay karaniwang nagreresulta sa komedya.

Hindi kasi aakalain ng nag-request ang magiging execution ni James sa larawan.

Sa ganitong sistema siya nakilala.

Na-feature na rin ang kanyang mga gawa sa iba’t ibang publications gaya ng Cosmopolitan, The Daily Telegraph, MTV, Huffington Post, Metro, BuzzFeed, Mashable at iba pa.

Read also: Taxi driver in Tondo becomes successful businessman in Brunei

Madalas ilathala ng mga publications na ito ang mga nakakatawang photo alterations ni James.

Maging ang mga “willing victim” niya ay isine-share din ang mga larawan ng mga ito matapos niyang gawing funny.

Noong June ay muling pinasaya ng graphic designer ang netizens nang mag-request ang Twitter user na si Sara Vos.

Read also: Binatang taga-Laguna, wagi ng PHP55M sa lotto; ipagagamot ang maysakit na parents

The original photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor

Message ni Sara sa graphic designer, "Hi, James, I really like this photo but could you do something about the trash lady? I don't like the orange in the picture."

Sa larawan ay makikita si Sara na naka-pose sa isang kalye.

Sa background ay may babaeng naka-orange na naglilinis ng mga basura.

Nag-reply si James kay Sara. Aniya, “Done.”

Kalakip nito ang edited picture ni Sara na wala na nga ang “trash lady” pero dumami naman ang mga basura na nakakalat kung saan-saan.

Read also: Trans woman in Batangas “weds” boyfriend; says, “Tinatrato ako na babae.”

The altered photo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Lola na pinaglalamayan, kumatok sa ataul; buhay pa pala

Obvious na ang humor na gustong iparating ni James, dahil wala na ang “trash lady” ay wala na ring nagkokolekta ng basura.

Mula nang i-post ni James sa Twitter ang conversation nila ni Sara, nakakuha na iyon ng 30.2K Retweets, 1,764 Quotes, 271.8K Likes at 3,375 Bookmarks.

Komento ng isang Twitter user, "Very clever edit."

Sabi naman ng isa pa, "Trashed."

Mayorya ng nagkomento ay natawa sa anila ay fabulous, right edit ni James.

Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay

Sa kabila naman ng humor at tila pagiging makulit ng graphic designer, mayroon siyang serious side.

Noong October 2016, nakipag-collaborate siya sa Truth Initiative, isang public health organization na naglalayon na ihinto ang paninigarilyo.

Itinatag din niya ang James Fridman Foundation noong December 2018 na ang misyon ay tulungan at suportahan ang mga bata at teenagers na apektado ng social issues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Brazilian photog may perfect shot sa Christ the Redeemer na tila nasa palad nito ang buwan

Nakipag-collaborate din siya sa Bumble, isang online dating app, noong March 2019 para suportahan ang criminalization ng unsolicited lewd photos.

Noong 2021 ay inilathala niya ang aklat na Joy of Photoshop sa Welbeck Publishing.

Sa mga gusto naman na magparetoke ng larawan kay James, mayroon siyang note sa kanyang Instagram account.

Aniya, “Do not submit any personal photos that you do not want to be made public. Terms and conditions apply.”

Read also: Nawawalang obra ni Juan Luna, nakita na after 132 years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinatuwa ng netizens ang ginawang pagretoke ng graphic designer sa larawan ng babaeng nag-request na alisin ang “trash lady” sa background dahil ayaw niya ng kulay orange. (Photo courtesy of @fjamie013 on Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results