PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GenSan Car Buyer bashed for “parang bumili lang sa tindahan” look

Mukha raw walang GMRC ang car buyer
by Bernie V. Franco
Published Jun 16, 2023
car buyer topless
Agaw-eksena ang isang lalaking bumili ng kotse sa General Santos City, pero bahay ang peg sa suot nito. Ikinuwento ng sales agent na si Richmond John Cristobal (right photo, far right) kung ano ang kuwento sa likod ng nag-viral na car buyer.
PHOTO/S: Facebook (Richmond John Cristobal)

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang isang lalaking halos wala nang saplot nang i-claim ang kanyang biniling SUV sa isang car showroom sa General Santos City.

Paglalarawan nga ng car sales agent, ang getup ng buyer ay ang kanyang “parang bumili lang sa tindahan” look.

Ang lalaki ay nakasuot lang ng pambahay na light blue shorts, nakapaa, at naka-topless.

Nasa harap ito ng car showroom at katabi ang bago nitong biling kotse-isang Ford Everest.

Ang picture ay ipinost ni Richmond John Cristobal, 26, isang car sales agent ng isang car brand showroom sa GenSan at customer ang naka-topless.

Parte ng caption ni Richmond (published as is): “Isang Stick ng Marlboro Red at Isang FORD EVEREST yung Puti!”

Aniya sa client na si Carl: “Grabe si Boss, Parang bumili lang sa tindahan”

Viral agad ang larawan at kinagiliwan ng netizens.

Sabi ni Richmond, ang kliyente ay kanyang kaibigan at “brad” sa isang frat group sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Richmond, katuwaan lang talaga ito. Hindi nila inasahan na magva-viral—ibig sabihin, may natuwa at may mga nam-bash din.

Read: Lolo na dinedma sa car showroom, bumili ng kotse sa kalabang car dealer PHP593K in cash

car buyer

THE STORY BEHIND THE PICTURE

Ikinuwento ni Richmond na nagplanong kumuha ng pangalawang kotse ang kaibigang si Carl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang pag-uusap ay nagkabiruan daw sila na magpo-post nang nakapambahay si Carl pag iki-claim ang kotse para ipakita sa kanilang mga ka-brad.

“Tripping lang,” kuwento ni Richmond sa PEP.ph.

Dumating daw sa showroom si Carl nang nakaayos, pero napagdesisyunan nilang ituloy ang “tripping” na napag-usapan nila ni Richmond.

Paliwanag ni Richmond: “Trip lang talaga namin na gawin yon.

“Siguro nag-trending siya dahil halos lahat naman ng bumibili ng sasakyan, nagki-claim ng sasakyan nila nag-aayos talaga nang disente.

"Syempre, nae-excite sila lalo na sa picture-taking. Pero this was unusual. This was unique kaya siguro naka-attract.”

Kasabay naman ng mga natawa ay marami rin ang nam-bash sa kanila, lalo na kay Carl.

Sabi ni Richmond, “Ang daming bash pa rin. Isipin mo sabi nila wala daw GMRC, bakit daw pinapapasok yung ganon ang suot. Ganon karami…”

Pero tanggap daw ni Richmond na hindi raw mapipigilan ang ganitong reaksiyon.

“Kahit anong gawin mo sa buhay mo, marami pa ring mga negative comments.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi na lang namin pinapansin kasi hindi naman siya nakakatulong. Wala naman silang ambag sa buhay namin.

“Tripping lang ito talaga, para sa mga brad namin na magtawanan lang. Hindi namin ine-expect na kakalat siya.”

Isa pang ipinag-alala ni Richmond, “Hindi ko na iniisip yung bash. Ang inisip ko yung company na pinagtatrabahuhan ko kasi this is my bread and butter.

“Wino-worry ko lang baka magalit yung company, pero feeling ko hindi naman.”

Giit niya ukol sa karanasang ito, “Hindi naman kami nag-expect.

“Hindi naman kami nagpapa-famous kasi hindi naman kami mga vlogger.

“Simpleng tao lang kami dito sa GenSan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agaw-eksena ang isang lalaking bumili ng kotse sa General Santos City, pero bahay ang peg sa suot nito. Ikinuwento ng sales agent na si Richmond John Cristobal (right photo, far right) kung ano ang kuwento sa likod ng nag-viral na car buyer.
PHOTO/S: Facebook (Richmond John Cristobal)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results