Nagulat ang mga librarians ng Niles-Maine District Library sa Illinois nang isauli ng anonymous patron ang isang libro.
Overdue na kasi ang pagsasauli nito nang 43 taon.
Ang librong isinauli ay ang The Moons of Jupiter, na sinulat ni Margarett K. Wetterer.
Inilagak ito ng nagsauli sa after-hours dropbox ng library.
Nang i-check ang mga detalye ng libro, natuklasang dapat ay noong January 19, 1980 pa ito ibinalik sa library.
Nag-post ang library sa official Instagram account nito tungkol sa kakatwang insidente.

Read also: What you should know about personal data of dead Facebook users
Ibinahagi ng library ang larawan ng aklat at ang detalye ng pagkakahiram dito.
Ayon sa Instagram post, "Based off the fine schedule from 1980, the patron would owe the library USD316.66 in overdue fees."
Ang halaga ay katumbas ng PHP17,607.56 ngayon.
Pero dagdag ng library, "Luckily, we've been a fine-free library since 2020!"
Biro tuloy ng isang netizen, “Well, that’s a relief because I have three books to return from Feb. 2020.”
Komento ng isa pa, “They were waiting until it was safe. LOL!”
Read also: Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?
Sinabi ng mga opisyal ng Niles-Maine District Library na hindi nila nakilala kung sino ang nagsauli ng aklat.
Hindi na rin nila matukoy kung sino ang nanghiram dahil ang kanilang kasalukuyang records system ay wala nang details na hanggang 1980s.
Komento naman ng Lake Bluff Public Library, “We thought this was amazing! You never know when a lost item will reappear!”
Ang The Moons of Jupiter ay inilathala noong January 1, 1971.
Isinasalarawan dito ang discovery and characteristics ng 12 moons ng Jupiter, at tinatalakay ang scientific developments na resulta ng isinagawang pag-aaral tungkol sa mga ito.
May mangilan-ngilan pang used copies nito na mabibili sa mga online stores sa halagang US$9.75 o PHP500.33.
Read also: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman

Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor
Wala namang masyadong datos tungkol sa author ng The Moons of Jupiter na si Margrett K. Wetterer, pero sa thriftbooks.com ay 13 titles niya ang nakalista at ibinibenta—ang iba ay out of stock na.
Sa pagiging popular ng digital format, itinuturing ngayon na collectibles ang printed books, at nagiging mataas ang presyo dahil bihira na ang nag-i-imprenta.
Read also: Brazilian photog may perfect shot sa Christ the Redeemer na tila nasa palad nito ang buwan