PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TRENDING: Sapakan ng may-ari ng Facebook at ng Twitter, ikinakasa

Mark Zuckerberg at Elon Musk, seryoso sa pagsasagupa
by KC Cordero
Published Jun 24, 2023
Photo of Mark Zuckerberg and Elon Musk
Napaulat na nagkasundo ang billionaire technology rivals na sina Mark Zuckerberg ng Meta/Facebook at Elon Musk ng Twitter sa isang cage match. Para sa UFC promoter and president na si Dana White, blockbuster tiyak ang magiging sagupaan ng dalawang social media moguls.

Umugong ang balitang planong magharap nina Mark Zuckerberg at Elon Musk para sa isang cage fight.

Si Mark ang may-ari ng Meta (dating Facebook), at si Elon naman ang may-ari ng Twitter.

Kinumpirma ni Dana White, president ng Ultimate Fighting Championship (UFC), na nakausap na niya ang dalawang social media chief executives tungkol sa kagustuhan ng mga itong magbakbakan.

Inihayag din ito ng dalawang bilyonaryo sa kanya-kayang platform sa mga nakalipas na araw.

Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor

Photo of Mark Zuckerberg and Elon Musk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Meet Brian Jansen Vallejo, ang math wizard ng Ilocos Norte

Si Elon, 51, ang lumalabas na naghamon kay Mark, 39, nang sabihin niyang handa siya sa cage match kung game din ang Meta chief.

Nag-tweet si Elon ng paghahamon bilang tugon sa ulat na ang Meta company ay nagpaplanong tapatan ang Twitter ng panibagong version ng Instagram—ang Threads.

Nag-post naman si Mark ng tweet ni Elon sa kanyang Instagram story, na may caption na: "send me location."

Read also: FDA may babala tungkol sa ilang klase ng lato-lato toys

The tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suhestiyon ni Elon, sa Vegas Octagon—isang eight-sided caged fighting arena na ginagamit sa mga UFC fights sa Las Vegas.

Ayon sa isang tagapagsalita ni Mark, posibleng matuloy ang laban pero hindi na nag-elaborate pa.

The tweet

Kumpiyansa si Mark, 39, sa pagharap kay Elon.

Bukod sa mas bata, nagsasanay rin siya kasama ang jiu-jitsu team.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagbahagi pa siya ng kanyang mga larawan kamakailan kasama ang mga medalyang napanalunan niya sa tournament ngayong 2023.

Read also: Nursing graduates na bagsak sa board exam, planong i-hire ng gobyerno

Photo of Mark Zuckerberg

Ayon naman kay Elon, napakabihira nitong mag-ensayo. "I almost never work out, except for picking up my kids & throwing them in the air."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro pa nito, "I have this great move that I call 'The Walrus,' where I just lie on top of my opponent & do nothing."

Read also: VIRAL: Estudyanteng nagyapak sa graduation dahil ipinahiram ang sapatos sa ina

Sa panayam ng TMZ Live noong June 22, 2023, sinabi ng UFC promoter and president na ang sagupaang Zuckerberg vs. Musk ay posibleng malampasan ang kinita at dami ng nanood sa naging laban nina Floyd Mayweather Jr. at Colin McGregor noong 2017, kung saan 50 milyon katao ang nanood sa U.S. pa lang.

Ani Dana, "There's no limit on what this thing can make.

"Both guys are absolutely dead serious about this."

At dahil mas praktisado si Mark, may mga followers si Elon na nagpayo sa kanyang simulan na ang pag-eensayo.

Read also: Libro ibinalik sa library after 43 years; PHP17K na ang multa

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaulat na nagkasundo ang billionaire technology rivals na sina Mark Zuckerberg ng Meta/Facebook at Elon Musk ng Twitter sa isang cage match. Para sa UFC promoter and president na si Dana White, blockbuster tiyak ang magiging sagupaan ng dalawang social media moguls.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results