PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Concept shot ng artist sa Mt. Mayon at PHP100 bill, nakakabilib!

Ganda ng shot!
by KC Cordero
Published Jun 26, 2023
The concept shot
Perfect shot sa perfect cone. Dahil hindi na nakikita ng artist na si Gil Bien ang kabuuan ng Mt. Mayon, kinunan niya ito ng larawan kadikit ang PHP100 bill para magmukhang buo. (Photo courtesy of Gil Bien)

Patok ngayon ang larawan ng Mt. Mayon na ang kalahati ay nagmula sa likod ng itinuping PHP100 bill na nasa sirkulasyon.

Naka-feature sa PHP100 ang larawan ni dating Pangulo Manuel Roxas sa harapan, at sa likurang bahagi naman ang Mt. Mayon at ang whale shark o butanding.

Ang larawan ay kuha ni Gil Bien, isang visual director, industrial designer, production designer, stage/set designer, at artist sa ABS–CBN.

Read also: 100-year-old house of Joey de Leon’s grandfather in Bulacan preserved as cultural heritage

The concept shot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang Bicolano, siya rin ang gumawa ng Cuboid House sa Malilipot, Albay.

Read also: Introducing typhoon-proof Cuboid house worth PHP1.8 million

Sa panayam kay Gil ng Bicoldotph last June 24, 2023, nakunan niya ang naturang larawan habang siya ay nasa Legazpi Boulevard.

Ibinahagi niya ang larawan ng Mt. Mayon at ng PHP100 sa kanyang Facebook at Instagram accounts.

Nagbigay naman si Gil ng pahintulot na magamit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang kuhang larawan.

Paano niya naisip ang konsepto na ito?

Kuwento niya sa PEP, "The idea here is, dahil di ko makita si Mayon at natakpan ng ulap, I want to see her full view, meron hundred ways."

READ Lotto winners na dalawang retirees, iingatan ang milyones

Makikita sa larawan ang kanyang pagiging artistic dahil nabuo niya ang hugis ng perfect cone.

Kasalukuyang nag-aalburoto ang Mt. Mayon mula nang magkaroon ng lava flow noong June 11.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong June 25, ang nakakapanibago lang sa activity ng Mt. Mayon sa ngayon ay ang pagbubuga nito ng mababang asupre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ Estudyanteng mahusay sa paggawa ng reels, puwedeng manalo ng PHP12K

Photo of Mt. Mayon

Read also: Cebu Pacific ipinaliwanag ang mga dahilan sa nakansela at naantalang biyahe

Ayon kay Mariton Bornas, chief of Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng PHIVOLCS, “Pagdating sa mga monitoring parameters, ito ang pinakaunang pagputok ng bulkan na naitala natin na walang outstanding parameters kasama ang sulfur dioxide.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala pang pagbabago masyado sa ibinubuga nitong sulfur dioxide,” dagdag pa ng opisyal.

Read also: TRENDING: Sapakan ng may-ari ng Facebook at ng Twitter, ikinakasa

Posible aniyang “degassed” o wala ng volcanic gas sa magma kaya mababa ang naitatalang sulfur dioxide emission, na siya ring dahilan kung bakit effusive o napakahina ng pagputok nito.

Sa pagtataya ng PHIVOLCS, posibleng abutin pa ng ilang linggo bago humupa, o kaya magkaroon ng malakas na pagsabog ang Mt. Mayon.

Nananatili itong nasa Alert Level 3.

Read also: Libro ibinalik sa library after 43 years; PHP17K na ang multa

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Perfect shot sa perfect cone. Dahil hindi na nakikita ng artist na si Gil Bien ang kabuuan ng Mt. Mayon, kinunan niya ito ng larawan kadikit ang PHP100 bill para magmukhang buo. (Photo courtesy of Gil Bien)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results