PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K

“Eggcellent find!”
by KC Cordero
Published Jun 29, 2023
The round egg
Ang natagpuang itlog ng manok sa isang Victorian supermarket sa Melbourne, Australia ay bilog na bilog. Ang paglabas ng ganitong korte ng itlog ay “billion to one” lang, at talagang hinahabol ng mga egg collectors kahit mataas ang presyo.

Pambihira ang natagpuang itlog ng manok sa isang Victorian supermarket sa Melbourne, Australia dahil bilog na bilog ang hugis nito.

Sinasabing ang chance bago makatagpo ng bilog na itlog ay nasa “billion to one.”

The round egg

Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe

Ayon sa ulat ng 9News noong June 16, 2023, ang “incredible find” ay ibinahagi sa Instagram ni 3AW Football host Jacqui Felgate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang follower ni Jacqui ang nagpadala sa kanya ng footage ng bilog na itlog na natagpuan sa Woolworths supermarket sa Melbourne.

Read: Concept shot ng artist sa Mt. Mayon at PHP100 bill, nakakabilib!

The round egg

Read: TRENDING: Sapakan ng may-ari ng Facebook at ng Twitter, ikinakasa

Sa Instagram post ni Jacqui, sinabi niyang, “This is so random, but I thought I would share this eggcellent find."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mensahe aniya ng kanyang follower, "In our egg carton we found a round egg.

"After a quick Google, I realized it was one in a billion.

“Literally one in a billion eggs are round and the last one that was found sold for over AUD$1400!"

Sa ating pera, ang katumbas nito ay PHP51,159.20.

Read: Meet Kairan Quazi, ang 14-year-old na software engineer

Ayon pa sa ulat ng 9News, sa hindi malamang dahilan ay may demand para sa unusually-shaped eggs.

May mga kolektor ng bilog na itlog sa ibang bansa, at talagang nagbabayad ang mga ito nang mahal mapasakamay lang.

Read: Libro ibinalik sa library after 43 years; PHP17K na ang multa

The round egg

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lolang kumatok sa ataul habang pinaglalamayan, tuluyan nang pumanaw; under "permanent surveillance"

At kung nagtataka ang ibang tao kung ano ang gagawin sa bilog na itlog, posibleng i-preserve ang shell kapag nasipsip ang laman sa loob.

Ang ganitong proseso ay karaniwang ginagawa ng mga museums para mai-preserve ang mga itlog ng wild birds.

Read: What you should know about personal data of dead Facebook users

Para sa malalaking itlog, kailangang gumawa ng maliit na butas sa magkabilang gilid ng itlog.

Kalugin muna ang itlog para maghalo ang white and yellow yolks saka patuluin mula sa butas.

Sa maliliit na itlog, hindi na ito kailangan dahil kapag inilagay sa dry environment, kusa na itong matutuyo sa loob.

Isa sa pinakamahal na itlog ay mula sa Elephant Bird—na extinct na ngayon.

Read: Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?

The elephant bird

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Plantita, may kakaibang gardening hack para "buhayin" ang tuyong halaman

Noong 2013, ang isang intact pa na itlog ng Elephant Bird ay nabenta sa auction ng Christie’s sa halagang £66,675 o PHP4,659,833.07.

Ang Christie's ay isang internationally renowned premier auction house. Forte nito ang pagbili at pagbebenta ng luxury goods, gaya ng art, design, alahas, mga relo, alak at iba pa.

Tinatayang nasa 800 years old na ang itlog at 200 times na mas malaki kaysa itlog ng manok.

Mai-imagine ninyo kung gaano kalaking omelette ang maluluto mula rito.

Read: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor

Ang Elephant Bird ay may taas na 10 feet at may timbang na 440 kilograms.

Native ito sa Madagascar.

At dahil maraming nangaso nito para kainin, naubos ang lahi.

Ang mga itlog naman ng dinosaur kung maganda ang kondisyon ay karaniwang nabebenta ng £1,600 o PHP111,822.02.

Read: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang natagpuang itlog ng manok sa isang Victorian supermarket sa Melbourne, Australia ay bilog na bilog. Ang paglabas ng ganitong korte ng itlog ay “billion to one” lang, at talagang hinahabol ng mga egg collectors kahit mataas ang presyo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results