Isang rescued dog na baldado ang dalawang paa ang itinanghal na World’s Ugliest Dog ngayong taon.
Ginanap annual pet contest sa Sonoma-Marin Fair sa Petaluma, California, USA, noong June 23, 2023.
Ngayong taon, ang winner ng contest ay si Scooter, isang seven-year-old Chinese Crested rescued dog.
Si Scooter, na may “two deformed hind legs,” ay dinala sa isang animal control facility sa Tucson “for euthanasia” pitong taon na ang nakalilipas.
Pero may isang volunteer ang nakakita at naawa kay Scooter. Ni-rescue niya ang aso sa pag-asang may mag-aampon dito.
Read: Ang cute! Pet dog, nakilala pa ang ex-boyfriend ng amo 18 months after breakup

Ang owner ngayon ni Scooter ay si Linda Elmquist, mula Tucson, na masaya sa World’s Ugliest Dog award ng alaga.
Ani Linda: “Despite the challenges he has faced with his deformed hind legs, Scooter has defied all odds and shown us the true meaning of resilience and determination.
“He has become an inspiration to countless people around the world.”
Ang World’s Ugliest Dog ay taunang pa-contest na ginaganap sa California, pero maraming animal lovers ang hindi natutuwa at tutol dito.
NETIZENS DISAPPROVE OF THE CONTEST
May mga netizens na tinawag itong “sad and mean” o kaya naman ay “terrible contest.”
Katuwiran nila, hindi nila maisip ang hirap na pinagdaanan ng mga aso kaya “cruel” ang bansang na World’s Ugliest Dog.
Para naman sa ibang animal lovers, “beautiful” si Scooter.



May nagmungkahing palitan na lang ang pangalan ng annual contest, gaya ng “World’s Bravest Dog.”
Pero may mga nagsabi na masyadong sineseryoso ang pangalan ng contest.
“People need to lighten up,” ang comment ng netizen.
Sabi naman ng isa pa, “It exists to bring positive attention to mixed breed, rescue, or hard to adopt dogs. The name is tongue in cheek.”


Sa kabilang banda, may disclaimer ang Sonoma-Marin Fair sa pa-contest nito.
Saad nito sa sariling site: “The annual World’s Ugliest Dog® Contest is not about making fun of ‘ugly’ dogs, but having fun with some wonderful characters and showing the world that these dogs are really beautiful!”
