Nag-viral ang video ng isang lalaki na tinalupan muna ang saging, itinapon ang balat, inilagay sa plastic bag, at saka tinimbang sa isang self-checkout kiosk.
Naging ugat tuloy ito ng katuwaan ng mga TikTok users.
Ang video clip na may habang walong segundo ay ini-upload sa TikTok noong May 22, 2023 ng user na Saving for Boba.
Ang account ay pag-aari ng Australian content creators na sina Mason at Mai.
Sa onscreen text sa video ay mababasa ang caption na: "How my frugal boyfriend saves money on his bananas.
Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe

Read: South Koreans bumata ng 1 to 2 years dahil sa bagong age system
"The secondhand embarrassment tho."
May kasunod ang caption na malungkot na emoji.
Binasa naman ang caption ng text-to-speech feature ng TikTok nang malakas.
Naka-set din ang video sa snippet ni Usher na kinakanta nang a cappella ang kanyang hit song na "U Got it Bad."
Ang kantang ito ni Usher ay isa sa trending sound sa TikTok kung saan ilang beses niyang sinambit ang salitang “No.”
Ilang media outlets ang nag-reach out kina Mason at Mai para hingan ng komento kung sinadya ng una na balatan ang mga saging para makamura.
Hindi sila nag-reply.
Sa mga supermarkets sa ibang bansa ay karaniwang binabayaran ang mga prutas depende sa timbang—iisang piraso man o marami.
Read: Manggagawa sa pribadong sektor sa NCR, may PHP40 daily wage increase

Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K
Sina Mason at Mai ay kilala sa paggawa ng content tungkol sa life hacks. Gumagawa rin sila ng mga reviews at comedy skits.
Nakakuha ang naturang video ng mahigit 22,200 likes, 6,450 shares, 890 comments, at 780 saves, batay sa engagement data na naka-diplay sa ibaba ng post.
Iba-iba naman ang reactions ng netizens. Karamihan sa mga ito ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Mason, na siyang boyfriend sa video.
Ang comment na i-break na ang frugal boyfriend ay nakakuha ng 12,000 likes. Ito rin ang top comment.
Hindi umano pagtitipid ang ginawa ng boyfriend, kundi pagiging kuripot.
At kung gusto raw ng boyfriend na mas makatipid, huwag nang ilagay sa bag para hindi na iyon makadagdag sa bigat.
Read: Larry Gadon tinanggalan ng Supreme Court ng lisensiya bilang abogado

Read: Lalaki nakapagtala ng bagong record sa "fastest 100 meters in high heels"
Posible rin umanong illegal ang ginawa nito. Nai-deliver kasi ang saging nang may balat kaya kasama talaga iyon sa babayaran.
Maraming TikTok users din ang nagsabing actually ay puwede namang kainin ang balat ng saging.
Biro pa ng isa, ang balat ng saging ay katumbas ng 31 percent hanggang 33 percent ng kabuuang timbang nito. Nakatipid umano ang boyfriend ng 33 percent sa presyo.
May nagsabi naman na dapat itong pakasalan dahil magaling sa pera.
May isa namang umamin na minsan ay napaisip na rin siyang gawin ang estilo ni boyfriend.
Nakatipid man, dapat tandaan na madaling malamog ang saging—at iba pang prutas—kapag binalatan kaya posibleng pagdating sa bahay ay hindi na rin mapakinabangan.
Para lang ito sa mga gusto nang kainin agad ang saging.
Sa Pilipinas, hindi rin akma ito dahil madalas ay fixed na ang presyo ng saging. Pero sa ibang gulay, gaya ng cauliflower at broccoli na tinitimbang per kilo, may ilang nagrereklamo sa laki ng stem at stem leaves lalo pa't ang madalas isahog ay ang crown o ang floret.
Read: Concept shot ng artist sa Mt. Mayon at PHP100 bill, nakakabilib!
