PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Graduation Highlights: DIY Medal & Nora's Pic

Viral sa social media!
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Jul 13, 2023
graduation events
This graduation season, some graduates make sure that they have their moment on and off the stage. (L-R) "Warren" walks like a beauty queen during the march; Justine Marcelo brings his own medals; Nathan Kris Pontillas brings a tarpaulin of Nora Aunor because he wants to "graduate with Aunor."
PHOTO/S: TikTok / Vince Sanglay / Justine Marcelo

Panalo ang ilang pakulo ng mga bagong graduates sa kani-kanilang graduation ceremonies ngayong graduation season.

May nagdala ng picture ni Ate Guy para maging “Aunor student.”

May nagmartsa na akala mo ay nasa beauty pageant.

May graduate na nagbaon ng sariling medals.

At dahil sa social media, mabilis nag-viral ang ilang eksena na naghatid ng positive vibes, at humakot ng comments, reactions, at shares mula sa netizens.

Read: Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand

an "AUNOR" student

Bitbit ang tarpaulin ng Superstar na si Nora Aunor, umakyat si Nathan Kris Pontillas sa stage “With Aunor” nitong July 4 sa 38th Commencement Exercises ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) sa Nabua, Camarines Sur.

Nagtapos si Kris sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering.

Ang pagladlad ng tarpaulin ay nakunan ng picture at in-upload sa Facebook ni Vencel Sanglay.

Caption ni Vencel sa kanyang post, published as is: “So, ‘pag wala kang latin honor, dala ka na lang ng tarpaulin ni Nora Aunor. Malayo talaga ang mararating ng mga tiga-CSPC.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Offloaded passenger’s cousin on Bureau of Immigration’s "red flags" claim: “Show evidence.”

graduation with nora aunor

Si Nathan Kris Pontillas bitbit ang tarp ni Ate Guy, kaya Nathan graduates "with Aunor."

Kaagad kumalat sa social media ang post, na, at press time, mayroon nang 5,100 reactions at 1,300 shares.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris nito lamang Miyerkules, July 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hobby raw niya talaga ang magpasaya ng mga tao.

Parati raw siyang nag-iisip ng pakulo tuwing aakyat ng stage o kahit magpo-post lang sa social media.

Kaya parati na ring inaabangan ng mga nakakakilala sa kanya ang kanyang pasabog.

At nang umakyat siyang bitbit ang tarpaulin ni Nora Aunor ay agad silang nagsigawan.

Pero bukod sa pagpapatawa ay nagpapasaya din si Kris sa ibang paraan, katulad ng pagbo-volunteer sa kawanggawa.

“Eagle Scout awardee rin po ako. Natutuwa ako kapag may mga natutulungan akong iba at napapasaya,” saad niya.

Ayon sa World Scout website, ang Eagle Scout Award ay iginagawad sa mga Senior scouts na tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga community service projects.

Kuwela man sa social media, pero seryoso sa buhay si Kris, lalo na sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

“Serious plan ko po ay magre-review po muna ako para mag-take ng board exam. And pag nakapasa na po ako bilang engineer, magtatrabaho po muna ako at pag nakaipon na po ay magte-training na ako para maging piloto.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Foreign teens spit repeatedly at popular tourist spot in Bohol

HAKOT AWARD

Dahil inaabangan ng lahat ang mga natatanggap na medals ng mga estudyante tuwing graduation, naisipan ni Justine Marcelo at apat pang kaibigan na magbitbit ng sarili nilang medals.

Sa interview ni Justine sa Inquirer.net, inamin nitong ibinigay naman nilang magkakaibigan ang best nila para magkaroon ng award, pero hindi umabot ang mga grades nila.

Kaya nung tinanong nila ang isang guro kung wala ba talaga silang matatanggap na medals ay pabiro daw silang sinabihan na, “Magdala na lang kaya kayo.”

Ito ang nagbigay ng idea sa mga binata na bumili ng sarili nilang medals.

Kaya on the day of their graduation sa senior high school sa ilalim ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand ng Good Samaritan Colleges sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, umakyat si Justine sa stage dala ang maraming medals, at siya na rin ang nagsabit ng mga ito sa kanyang leeg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Security guard in Quezon City mall fired after throwing puppy from footbridge

graduate with medals

Bago bumaba ng stage ay ipinasa pa ni Justine ang mga medals sa ka-tropang si Clyde Breindel Mananquil.

Ang original video na in-upload ni Clyde ay nakapukaw ng atensiyon ng maraming netizens.

Isa sa mga na nag-repost nito sa kanyang Facebook Reels ay si Angeline Asilo Bilog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasalukuyan, meron na itong 1.9 million views, 36,300 likes, 9,900 shares, 2,900 comments, at 152 stars.

FASHION SHOW o GRADUATION march?

Agaw eksena naman ang isang pinangalanang “Warren” dahil sa pagrampa nito sa graduation march na akala mo nasa fashion show o pageant sya.

Sa Tiktok video na in-upload ni ajtorriefie1, makikitang walang keber na rumampa si Warren na animo’y haute couture ang kanyang outfit.

Nagbigay pa ito ng isang pangmalakasang Miss Universe turn bago pumunta sa kanyang designated seat.

Kitang-kita naman ang natatawang guardian nito na walang nagawa sa pag-awra ni Warren.

graduation runway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Graduation walk giving pageant vibe. Warren (right) projects to the camera in his grad walk.

Mahigit 2,200 na ang netizens na nag-view ng video habang 121 naman ang nakuha nitong heart reaction.

"GRADUATION BRAWL"

Mistula namang nagpambuno ang mag-ama sa mismong stage habang tinatanggap ni Xyrelle Carandang ng San Jose, Batangas, ang kanyang “With Honors" medal.

Nais sana ng dalaga na ialay ang kanyang medal at isabit sa amang si Hajie ngunit nakipaglaban ang huli.

Sa kanyang Facebook post ay kuwelang naglagay si Xyrelle ng caption na, “Baket palaban ang papa ko?”

Sa pagitan ng bawat salita ay nilagyan pa niya ito ng nauuso ngayong Cartwheeling emoji.

graduation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Animo'y nag-away pa ang mag-ama sa entablado kung kanino isasabit ang medalya.

Aniya sa interview ng The Philippine Star, “Habang nag-aagawan na po kami kung kanino isasabit yung medal, e, nagtatawanan na po kami at sinasabi ng Tatay ko po na, 'Bakit sa 'kin?’”

Nagtapos si Xyrelle sa senior high school ng Holy Family Montessori noong June 28.

Umani ng 4,400 views at 191 likes ang kanyang video.

HEARTwrenching GRADUATION SCENE

Kung may mga nakakatawang pakulo, mayroon ding mga kumalat na eksena sa graduation na tagos sa puso.

Una na riyan ang pag-akyat sa stage ng ina ni Sherwin Gumahung upang tanggapin ang diploma ng anak na namatay sa aksidene sa motor tatlong buwan bago ang graduation ceremony ng University of Cagayan Valley noong June 15.

Si Sherwin ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Criminology at bahagi ng Class Tagapaglawag-landas.

graduation emotional

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaluha ang marami, maging ang mga tao sa stage, sa madamdaming tagpo ng pag-akyat ng ina ni Sherwin at pagtanggap ng diploma nito.

Humiling din ng ilang segundong katahimikan ang emcee.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This graduation season, some graduates make sure that they have their moment on and off the stage. (L-R) "Warren" walks like a beauty queen during the march; Justine Marcelo brings his own medals; Nathan Kris Pontillas brings a tarpaulin of Nora Aunor because he wants to "graduate with Aunor."
PHOTO/S: TikTok / Vince Sanglay / Justine Marcelo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results