Maraming netizens ang nag-joke na magbabago na sila ng propesyon matapos maiulat ang ukol sa “world’s richest beggar” na mula sa India.
Lumalabas kasi na ang pulubing ito, si Bharat Jain, ay may net worth na tinatayang 73,000,000 rupees o $900,000, ayon sa ulat ng Economic Times.
Katumbas ng halagang nabanggit ay PHP48 million.
Ang kanyang buwanang sahod ay pumapatak ng 60,000 to 75,000 rupees o PHP40,000 to PHP50,000.
Si Jain ay may apartment sa Mumbai at may-ari rin siya ng dalawang shops sa Thane, na nagbibigay sa kanya ng higit sa 30,000 rupees (PHP20,000) monthly income.
Ang kanyang pamilya ay nakatira sa isang duplex apartment sa Parel area sa Mumbai, at ang dalawang anak niya ay nakapag-aral sa isang convent school.
Hindi nakatapos ng pag-aaral si Jain dahil sa “financial instability.”
Pero dahil napalago niya ang perang kinita mula sa pamamalimos, tinagurian siyang “world’s richest beggar.”
Kumikita siya ng 2,000 rupees (PHP1,300) kada araw sa kanyang 12-hour “shift” na pamamalimos sa iba-ibang lokasyon sa Mumbai.
Ang kanyang pamilya ang nagma-manage ng kanilang tindahan.
At kahit sinasabihan nila si Jain na huwag nang manlimos, patuloy pa rin siya sa kanyang “trabaho,” at wala pang balak mag-retire, ayon sa report.
Read: Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand
NETIZENS COMMENT
Mukhang marami namang netizens ang “na-inspire” sa kuwento ni Jain.
Nang i-share ng The Philippine Star ang kuwento sa FB, kanya-kanyang hirit ang netizens.
“Tara na pre mamalimus na tayo haha,” biro ng isa at naka-tag pa ang kanyang mga kaibigan.
“Na-amaze ako… parang may balak na din ako,” hirit ng isa pa.
Read:
- Memorable graduation moments! May rumampa, nagdala ng sariling medalya, nagbitbit ng picture ni Nora
- Netizens react to PAGCOR's new logo worth PHP3 million

“Need ng magandang puwesto guys. Any suggestions,” biro ng isa pa.
“This is my next career,” deklarasyon ng isa pa.
“Simulan ko na ba haha,” joke ng isa.
“This is it,” sabi ng isa pa.
“May mga requirement po ba,” biro ng isa pa.



