Dahil sa kanyang 800 tattoos sa buong katawan, hindi matanggap sa trabaho si Melissa Sloan, 46, ng Wales, United Kingdom.
Noong una ay nakapagtrabaho siya bilang toilet cleaner, pero, kalaunan, dahil sa kanyang mga tattoo sa mukha, maging ito ay naudlot.
Sa panayam sa kanya ng iba’t ibang media outlets ng UK gaya ng Daily Star at The Mirror noong July 3, 2023, inihayag ni Melissa na marami na ang nagsabi sa kanya na imposible na siyang makakita ng trabaho dahil sa kanyang mga tattoo.
Read: New mom's Eras Tour experience: 'My water broke 20 minutes after Taylor Swift left the stage.'

Read: Bettor napanaginipan ang winning combination sa SuperLotto 6/49
“I can’t get a job. I applied for a job cleaning toilets where I live, and they won’t have me because of my tattoos.
“People have said I have never had a job in my life, but I have had one once, and it didn’t last long.”
May dalawang anak si Melissa. Kaya para sa kanya, basta may mag-offer sa kanya ng trabaho, agad niyang tatanggapin.
Read: Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976
NA-ADDICT SA PAGPAPA-TATTOO
Ibinahagi ni Melissa na nagsimula siyang magpa-tattoo pagsapit sa edad na 20.
Aminado siyang na-addict sa pagpapalagay ng tattoo sa kanyang katawan, lalo na sa kanyang mukha.

Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamura
At kahit hindi na nga siya makatagpo ng trabaho, kada linggo, ay nagpapadagdag pa rin siya ng tatlong tattoo.
Aniya, kung sasapit siya sa edad na 70, patuloy pa rin siyang magpapa-tattoo.
“Every bit of skin will be covered even if I’m turning blue. My face is already turning blue. I look like a Smurf.”
Wala nang bakanteng balat sa mukha ni Melissa.
Nakakatatlong layer na rin ng mga tattoo sa kanyang mukha.
“I’ve got three layers on my face. I probably have the most tattoos in the world, and if not then, at the rate, I’m going on I probably will have in the end. I keep going over and over them.”
Read: South Koreans bumata ng 1 to 2 years dahil sa bagong age system
BANNED SA MGA GIMIKAN AT SCHOOL NG ANAK
Naniniwala si Melissa na ang kanyang facial tattoos ang dahilan kaya madali siyang i-judge ng mga tao.
Pero bukod sa hindi matanggap sa trabaho, may iba pa siyang struggles dahil sa kanyang tattoos.
Hindi siya pinapapasok sa mga bar sa kanilang lugar.
Ang mas masaklap, banned din siya sa eskuwelahan ng kanyang mga anak.
Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K

Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe
Kapag lumalabas siya ng bahay, may mga pagkakataong sinisigawan siya ng “freak” ng mga nakakakita sa kanya.
Tinanggihan din niya ang offer na free laser treatment para mabura ang tattoo sa kanyang mukha.
Katwiran niya, malamang na pag nabura ay magpalagay lang uli siya nang bago.
Gayunpaman, isang record ang determinado si Melissa na ma-achieve kahit wala siyang makitang employer.
“I’m trying to get into the Guinness World Records.”
Read: Lalaki nakapagtala ng bagong record sa "fastest 100 meters in high heels"
Ang may hawak ng GWR sa kasalukuyan bilang "most tattooed person" ay si Lucky Diamond Rich, 52, ng New Zealand. Ang buong katawan nito ay dalawang beses nang nabalot ng tinta.
Sa kababaihan, ang record ay hawak ni Charlotte Guttenberg ng USA. Ang 98.75 percent ng katawan nito ay balot ng tattoo.
Nakuha ni Charlotte ang GWR noong November 7, 2017. Siya rin ang may hawak ng “most tattooed female senior citizen” at “most feathers tattooed on the body.”
Read: Meet Kairan Quazi, ang 14-year-old na software engineer
