Namataan ang isang “Ibong Adarna” sa kagubatan ng Mount Apo sa Davao City.
Nakunan ito ng larawan ni Kemuel Libre ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section (PAMBCS) XI habang nakadapo sa isang puno.
Ang mga larawan ay ibinahagi ng official Facebook page ng DENR Davao noong July 14, 2023.
Ayon sa ahensiya, isang female ang natagpuang Ibong Adarna o Philippine Trogon, na may scientific name na Harpactes ardens.
Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho

Read: Conjoined twins Joy and Joyce Magsino graduate from elementary with honors
Bahagi ang naturang ibon ng panitikang Pilipino sa kuwentong “Korido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na anak ni Haring Fernando at ni Reyna Valeriana sa Kahariang Berbanya.”
Ang storyline ay nakatuon sa buhay nina Haring Fernando, Reyna Valeriana, at ng kanilang tatlong anak na sina Pedro, Diego, at Juan.
Nagkasakit ang hari at hinanap ng tatlong prinsipe ang maalamat na Ibong Adarna na may healing powers na maaaring makapagligtas sa kanilang amang hari.
Kung sino man sa tatlong prinsipe ang makapag-uwi sa Ibong Adarna ang siyang magmamana ng trono.
Read: In 2042, total solar eclipse will be witnessed over Mayon Volcano
Ngunit hindi ganoon kadaling mahuli ang naturang ibon. Bukod sa nakapagpapatulog ang huni o awit nito, nagiging bato rin ang malaglagan ng ipot o dumi nito.
Sa totoong buhay ay walang ganitong kapangyarihan ang Philippine Trogon.
Ayon sa DENR Davao, "They [Philippine Trogon] feed on insects and fruits and shelters on tree hollows.
“Being reluctant to people, they found bliss in the darker portions of our forests."
Ang babaeng Ibong Adarna ay may mga kulay na subdued shades of mustard-yellow underparts. Olive-brown ang ulo.
Mas matitingkad naman ang kulay ng male counterpart nito.
Noong July 9, 2019 ay nakunan ni Jonet Carpio, isang wildlife photographer, ang isang lalaking Philippine Trogon sa Infanta, Quezon.

Read: "World’s richest beggar" in India has PHP48M net worth? Netizens eyeing career change
Mahaba ang buntot, ang mailap na Ibong Adarna ay sa Pilipinas lang matatagpuan.
Nanawagan ang DENR Davao sa publiko na pangalagaan para mas dumami pa ang Ibong Adarna.
Sa kasalukuyan ay sarado ang Mount Apo sa mga trekkers mula noong June hanggang August. Ipinatutupad ito ng DENR para mabigyan ng pagkakataon ang mga ibon at halaman na mas dumami nang walang gumagambala sa kanilang katahimikan.
Ang mga nabanggit na buwan din ang panahon kung kailan nagme-mate ang mga ibon sa kagubatan.
Read: “Bagong Pilipinas” campaign, inilunsad; gobyerno walang ginastos sa logo
