PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Name this rare white lion born in Malabon Zoo

Suggest kayo ng name niya, sabi ng owner
by KC Cordero
Published Jul 17, 2023
The whilte lion cub
Napaka-cute ng male white lion cub sa Malabon Zoo. Wala pa itong pangalan, at nagre-request ang may-ari na mag-suggest ang netizens kung ano ang itatawag sa cub. (PNA photo by Joan Bondoc)

Nadagdagan ang attraction sa Malabon Zoo dahil sa isang rare white lion cub na ipinanganak doon din mismo sa zoo noong June 23.

Ayon sa may-ari ng zoo na si Manny Tangco, ang white lion cub ay supling ng dalawang light brown lions.

Ipinakita niya ito sa media at sa mga bisita ng zoo noong July 14, 2023.

Hindi pa niya pinapangalanan ang cub na isang male, at nanghihingi si Manny ng suhestiyon sa publiko kung ano ang magandang itawag dito.

Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamura

The whilte lion cub

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Manggagawa sa pribadong sektor sa NCR, may PHP40 daily wage increase

Aniya sa video na ini-upload ng ABS-CBN News, "We're inviting everybody to come to Malabon Zoo to suggest a name for this white lion, Ayun po. Very, very rare po ito.

“Mirakulo po ito na binigyan tayo ng Diyos dito sa Malabon Zoo ng puting leon.”

Samantala, kahit kokonti lang ang bilang ng white lions sa wild, hindi pa sila itinuturing na endangered.

Ayon sa ulat ng Global White Lion Protection Trust, hindi lalampas sa 13 ang bilang ng mga white lion sa buong mundo.

Classified bilang Panthera leo, ang white lion ay hindi kinikilala ng kasalukuyang scientific labelling bilang kakaiba.

Dahil dito, hindi sila protektado ng mga batas. Ibig sabihin, maaari silang hulihin at ibenta.

Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K

The whilte lion cub

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe

Ayon pa sa Global White Lion Protection Trust, ang genes ng white lion ay dapat na magkaroon ng malawakang pananaliksik upang higit na maprotektahan at mapangalagaan ang mga ito.

Dapat din umanong maitaas ang conservation status ng white lion pagdating sa kasalukuyang scientific classifications at methodology nito.

Read: Meet Kairan Quazi, ang 14-year-old na software engineer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaka-cute ng male white lion cub sa Malabon Zoo. Wala pa itong pangalan, at nagre-request ang may-ari na mag-suggest ang netizens kung ano ang itatawag sa cub. (PNA photo by Joan Bondoc)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results