Ngumiti ang magandang kapalaran sa isang Novo Ecijano lotto bettor nang mapanalunan niya ang Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na PHP366,687,465.20.
Ginanap ang draw noong June 30, 2023 na may winning combination na 43-58-37-47-27-17.
Na-claim na ng winner ang kanyang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong July 6, 2023.
Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo

Read: Name this rare white lion born in Malabon Zoo
Walang ibang nakakuha ng kumbinasyon kaya solo niya ang premyo.
Ayon sa 40 anyos na bagong milyunaryo, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang magandang kapalaran.
Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala.
Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe
Pagbabahagi niya, sa isang lotto outlet sa Cabiao, Nueva Ecija, siya tumaya.
Limang kumbinasyon ang kanyang tinayaan.
Ang apat na kumbinasyon ay sadyang pinili niya, habang ang panlima ay sa pamamagitan ng lucky pick (LP) kung saan ang computer system mismo ng lotto ang pumili ng mga numero.
Hindi niya inakala na ang lucky pick pa ang magiging dahilan para siya maging milyunaryo.
Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho

Read: New mom's Eras Tour experience: 'My water broke 20 minutes after Taylor Swift left the stage.'
Kuwento ng lalaki nang makapanayam ng mga staff ng PCSO, “Hindi ko pa alam sa ngayon kung paano ko iha-handle ang ganito kalaking pera.
“Pero siyempre, unang-una, tutulong tayo sa kapwa. Magbabahagi tayo dahil alam kong may plano si Lord [kung] bakit tayo biniyayaan ng ganito.”
Paalala niya sa ibang bettors, “Huwag po tayong mawalan ng pag-asa. May mga pagkakataon po na nanghihinayang tayo kasi hindi tayo tumama, pero lagi po nating isipin na bawat taya po natin, nakakatulong po tayo sa kapwa.”
Read: Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976
MGA PAALALA SA PAG-CLAIM NG PREMYO SA LOTTO
Samantala, sa ilalim ng Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa petsa kung kailan binola ang kanilang napanalunan para makuha ang kanilang premyo.
Kung hindi makuha sa itinakdang palugit, magiging forfeited ang premyo at ilalagak ito sa PCSO Charity Fund.
Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K
Ipinaaalala rin ng PCSO na ang premyo na mahigit sa PHP10,000.00 ay kakaltasan ng 20 percent, alinsunod sa TRAIN Law.
Tinitiyak din ng ahensya na pananatilihing confidential ang mga impormasyon ng mga magwawagi sa lotto para sa seguridad ng mga ito.
Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamura
