Lumikha ang YouTuber na si Matthew Beem ng fully functional giant iPhone 14 Pro Max.
May taas ito na walong talampakan.
Ang larawan ng giant iPhone ay nai-post ni Matthew sa kanyang Instagram account noong June 22, 2023.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon

Read: Rider in Davao City arrested for Superman stunts on the road
Nilagyan niya ito ng caption na, “I finally upgraded phones. Go check out the new vid.”
Dinala rin niya ang giant iPhone sa mga kalye ng New York City sakay ng cart para ipakita sa mga tao ang taglay na features nito.
Read: Kuwento ng 2 lotto jackpot winners: Isa mahilig tumaya; isang humabol sa pagtaya
KUMPLETO SA FEATURES
Ang display ng device ay ginamitan ni Matthew ng touch-enabled screens ng televisions, na nakakonekta sa isang Mac Mini.
Nilagyan din niya ito ng volume button and button control para sa pagpe-play ng music and videos.
Read: Expectation vs reality? Netizens on photos of Ibong Adarna: “Hindi naman pala kagandahan”

Read: DOTr: 130K driver's license cards, ire-release sa September
Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ni Matthew ang proseso kung paano niya binuo ang giant iPhone.
Sinimulan niya ito sa paggawa ng matibay na metal frame na nagsilbing foundation ng malaking device.
Kinopya rin niya ang disenyo ng iPhone, at ang surface ay nilagyan niya ng matte finish para mag-reflect ang liwanag, at makita ang functional buttons.
Read: Winner ng PHP366M Ultra Lotto 6/58 jackpot, planong mag-share ng napanalunan
Nag-focus talaga siya sa pag-aayos ng screen ng giant iPhone, at nilagyan pa ng laser para kopyang-kopya ang modelo ng Apple device na may mataas na specifications.
Ang nakakabit na Mac Mini ang nagpapatakbo sa mga applications na karaniwang ginagamit sa iPhones.
Seamless din ang user experience kahit pa sobrang laki ng sukat nito.
Read: Lola, ni-landing ang eroplano matapos magka-medical emergency ang piloto
PUWEDE RING MAG-SELFIE
Ang giant iPhone ay mayroon ding mga camera, kabilang ang nasa harapan para sa selfies.
Medyo mahirap nga lang kumuha ng selfies.
Read: Pink burger inilunsad para sa Barbie movie

Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho
Ipinakita ni Matthew na para makapag-selfie, kailangang may ibang tao na pipindot sa camera button.
Kailangan ding tumalon para ma-capture ang larawan sa frame.
Hawak ngayon ni Matthew ang record para sa nakagawa ng pinakamalaking iPhone.
Ang YouTuber na si ZHC ay unang nakagawa ng 6-foot iPhone noong 2020.
Read: Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand
