Inihahanda na ng Diocese of Laoag ang mahabang proseso para maging santa si Niña Ruiz-Abad.
Si Niña ay edad 13 anyos nang pumanaw noong August 16, 1993.
Ayon sa artikulong naka-post sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) news website noong July 20, 2023, sinabi ni Bishop Renato Mayugba na inihain na sa mga arsobispo ang kahilingan upang simulan na ang advocacy for sainthood ni Niña Ruiz-Abad sa ginanap na plenary assembly sa Kalibo, Aklan.
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Read: For PHP1K, malilibot ang Manila cultural hub by bus
Sa napakabatang edad ay nagpakita si Niña ng pag-uugali at kilos na kakaiba para sa edad nito, ayon kay Bishop Mayugba.
“During her time, it is unusual that a young girl had already done acts to evangelize others.
“Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary.”
Pumanaw si Niña sanhi ng hypertrophic cardiomyopathy, isang sakit sa puso na walang lunas.
Na-diagnose siya na taglay ang sakit noong 10 years old siya.
Matibay ang kanyang debosyon sa Eucharist at inilaan ang kanyang buhay sa pamamahagi ng mga rosaryo, Bibliya, prayer books, holy images, at iba pang religious items.
Read: Kuwento ng 2 lotto jackpot winners: Isa mahilig tumaya; isang humabol sa pagtaya

Read: DOTr: 130K driver's license cards, ire-release sa September
Kilala rin si Niña na laging may suot na rosaryo sa kanyang leeg, at nakaputing damit.
Dahil sa pag-aapruba ng mga Arsobispo, magkakaroon ng formal investigation sa buhay ni Niña, at pagpapatotoo sa kanyang debosyon.
Aabutin ng ilang taon bago magdesisyon ang Roma tungkol sa kanyang posibleng beatification and canonization.
Ang mga unang hakbang ay kabibilangan ng pagkalap ng mga impormasyon tungkol kay Niña, at pakikipanayam sa mga taong nakakakilala sa kanya.
Ang dalagita ay anak ng mag-asawang abogado mula sa Sarrat, Ilocos Norte.
Sa Quezon City naman siya ipinanganak at lumaki.
Ang kanyang mga labi ay inilagak sa isang public cemetery sa Sarrat.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon

Read: Winner ng PHP366M Ultra Lotto 6/58 jackpot, planong mag-share ng napanalunan
Ang sainthood process ay karaniwang nagsisimula sa local level ng diocese kung saan namatay ang candidate. Sa kaso ni Niña, ito ay sa Diocese of Novaliches.
Gayunpaman, nakakuha si Bishop Mayugba ng approval ni Novaliches Bishop Roberto Gaa para ilipat ang “forum of competence” sa Laoag diocese, na inaprubahan din ng Vatican Dicastery for the Causes of Saints.
Ayon kay Bishop Mayugba, si Niña ay magsisilbing “a good model of piety and fortitude” para sa mga kabataang Pilipino.
“Knowing Niña’s character and traits and her strong faith in God will serve as a guide to the youth in handling their affairs towards a better Christian life.”
Kapag naging ganap na santa si Niña, siya ang magiging pinakabatang saint sa kasaysayan.
