Pinapanood ni Janna Clinton ng Oklahoma City ang kanyang anak na si Charlie, 11, noong July 16, 2023, na namimingwit sa pond na nasa likod ng kanilang bahay nang marinig niyang sumisigaw ito at tinatawag siya.
Ani Janna sa panayam ng National Public Radio, isang American nonprofit media organization sa Washington, D.C., "He was screaming, 'Oh my God, mom! Oh my God!'"
Hawak nito ang nabingwit na isda.
Read: "Lazy" student starts cold-brew business; now earning up to PHP15,000 a day

Read: Security guard’s son graduates valedictorian from maritime academy: "Ma, Pa, I made it."
Akala raw niya ay nagiging sobrang dramatic lang si Charlie.
Pero nang tingnan niyang mabuti ang nabingwit nitong isda, napansin niyang kakaiba ang hitsura nito—partikular ang mga ngipin na parang sa tao.
Ani Janna, kalimitan na ang nabibingwit nila sa neighborhood pond ay bass o catfish.
"I mean, nothing with human-like teeth."
Natuklasan nila na ang nabingwit ni Charlie ay ang isdang “pacu” na kamag-anak ng piranha. Ang malalaking ngipin nito ay kinatatakutan ng mga swimmers.
Ang pacu ay native sa South America, pero nagtaka si Janna kung bakit meron nito sa pond sa kanilang likod-bahay.
Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo

Sinabi umano sa kanya ni Charlie na nahirapan itong maialis sa tubig ang pacu dahil lumalaban ito.
"He was the only one down there fishing and he did a great job."
Pinakawalan din ni Charlie ang isda matapos makunan ng mga larawan.
Read: Name this rare white lion born in Malabon Z
INVASIVE ANG PACU
Nag-post ang mag-ina ng larawan ng kakaibang isda sa kanilang neighborhood Facebook page, at ipinagbigay-alam iyon sa kanilang game warden.
Naibalik na ni Charlie sa tubig ang isda bago nila nalaman ang panganib na dala nito.
Paliwanag ni Janna, "It's a catch and release pond so we unfortunately did release it back because we didn't know any better at the time."
Read: Batang Pilipina, isinusulong ng Diocese of Laoag na maging santa

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
Kaya nang marami na ang nagsabi na invasive ang pacu, at hindi na dapat ibinalik sa tubig, inamin ni Janna na nakagawa silang mag-ina ng pagkakamali.
Sinabi ng Oklahoma Department of Wildlife Conservation na posibleng ginawang pet ang pacu at pinakawalan ng may-ari nang lumaki na ito sa aquarium.
Ang pet owner ang sinisisi ng wildlife agency kaya nagkaroon ng pacu sa pond.
Kaya mula noon, tinatangka muli ni Charlie na mabingwit ang pacu.
Kuwento ni Janna ay maagang gumigising at inaabot ng gabi ang kanyang anak para lang muling mahuli ang isda.
Isang kapitbahay nila ang nangakong kapag nabingwit itong muli ni Charlie ay ito mismo ang kakain sa pacu.
Read: For PHP1K, malilibot ang Manila cultural hub by bus
May iba namang plano si Janna.
"If he catches it again, we're going to get it mounted for him. I think that's a heck of a prize and he deserves it.
"I told him we'd make it look like the fish was smiling so you could see its teeth."
Nang tanungin kung anong klaseng bait o pain ang ginamit ni Charlie para maakit ang pacu, ani Janna, "You're going to laugh. It was just a piece of bread."
Read: Kuwento ng 2 lotto jackpot winners: Isa mahilig tumaya; isang humabol sa pagtaya
MAY NABINGWIT DIN NOONG 2018
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nakabingwit ng pacu sa lungsod.
Noong 2018 ay nakabingwit din si Kennedy Smith ng Lindsay, Oklahoma.

Paalala ng wildlife agency, ang pacu ay generally harmless sa mga tao, pero ang pagtatapon ng unwanted pets sa waterways ay sobrang mapanganib para sa native wildlife.
Nagbabala rin ang ahensiya na ang pacu ay maaaring lumaki hanggang 3.5 feet at tumimbang ng 40 kilos.
Ipinaalala rin nito sa sinumang makakabingwit ng pacu na dapat na ipagbigay-alam agad iyon sa game wardens.
Read: DOTr: 130K driver's license cards, ire-release sa September
Bukod naman sa nakakatakot ang itsura ng pacu, tinatawag din itong "the ball cutter" dahil may ugali umano itong umatake sa testicles ng kalalakihan.
Bagaman at hindi tiyak kung totoo ang katangiang ito ng pacu, naging babala ito sa skinny-dippers sa Scandinavia matapos may mahuling pacu sa isang ilog noong 2013.
Ang red-bellied pacu at related species nito ay nuts at mga buto ng prutas ang pinaka-main food source, ayon sa Animal Diversity Web, isang project ng University of Michigan's school of zoology.
Pero dahil omnivore, kagaya ng mga tunay na piranha, nagiging matakaw ang pacu habang lumalaki kaya kahit ano ay kinakain lalo na kung marami sila at kailangang mag-agawan sa pagkain.
Read: Winner ng PHP366M Ultra Lotto 6/58 jackpot, planong mag-share ng napanalunan.
MASARAP KAININ, MAHIRAP HULIHIN
Kapag iniluto, masarap ang pacu at manamis-namis ang laman nito.
Ayon sa 1997 U.S. academic study, ang lasa ng pacu ay "comparable to that of hybrid striped bass, tilapia, and rainbow trout, but superior to catfish."
Kapag malaki na, hindi ganoon kadali ang manghuli ng pacu dahil very elusive ito.
Read: Pink burger inilunsad para sa Barbie movie
Ayon sa British fisherman na si Jeremy Wade na nakabingwit ng pacu na may timbang na 18 kilos sa Papua New Guinea noong 2011, "When I reeled it in, it had this mouth which was surprisingly human-like, it is almost like they have teeth especially made for crushing.
"They are like human molars and the fish have powerful jaw muscles. They are very deep bodied and solid like a carp, with strong muscles."
Samantala, wala pang update kung nahuli nang muli ni Charlie ang pacu sa pond.
