Hindi talaga inaasahan ang suwerteng nakaguhit sa palad.
Isang Pampangueña ang masuwerteng nasungkit ang jackpot sa June 2, 2023 draw ng Megalotto 6/45.
Nakuha niya ang winning combination na 25-15-05-11-09-03 na may PHP41,256,521.60 jackpot prize.
Solo winner din siya.
Ang higit na masaya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumaya siya sa lotto.
Read: Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56

Read: Nabingwit na isda, may ngipin na parang sa tao
Ayon sa bagong milyonarya sa panayam ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang i-claim niya ang kanyang premyo noong June 8, hindi talaga siya tumataya sa lotto.
Nang tanungin kung bakit bigla niyang naisipang tumaya, ayon sa Pampangueña ay by impulse lang, at parang may nag-udyok sa kanyang kalooban na tumaya.
Dalawang kumbinasyon ang naging bets niya, at isa rito ang naghatid sa kanya ng milyones.
Read: Batang Pilipina, isinusulong ng Diocese of Laoag na maging santa
Kuwento pa ng bagong milyonarya, ngayon niya napatunayan na kung ano ang nakaguhit sa kapalaran ng isang tao, ang Diyos mismo ang gumagawa ng paraan poara mangyari iyon.
Sinabi rin niya sa PCSO na masayang-masaya siya dahil mapapaganda na niya ang kondisyon ng pamumuhay ng kanyang pamilya.
Plano rin niyang magsimula ng negosyo para magkaroon ng stable source of income.
Ibinahagi rin niya na apat na beses niyang kinumpirma na ang mga numero niya ang lumabas at nanalo ng jackpot.
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Nang matiyak niya na iyon na nga, naging emotional umano siya at hindi napigilan ang pag-iyak.
Read: For PHP1K, malilibot ang Manila cultural hub by bus
Ginagarantiyahan naman ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ang personal information ng mga ito.
Read: Kuwento ng 2 lotto jackpot winners: Isa mahilig tumaya; isang humabol sa pagtaya
Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.
Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon
