PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Spider-Girl watches TV stuck on wall

Special powers ng bata, natuklasan ng nanay.
by KC Cordero
Published Jul 28, 2023
The real-life Spider-Girl
Natuklasan lang ng nanay ng bata ang special powers nito nang mapanood ang footage sa naka-install na surveillance camera sa living room.

Ibinahagi ng isang nanay sa Mainland China ang mga larawan ng kanyang eight-year-old na anak na tila isang real-life “Spider-Girl.”

Ayon sa nanay, ang hobby nito ay manood ng television habang nakadikit ito sa wall o di kaya ay sa ceiling.

Ang mga larawan ay nai-post noong July 9, 2023, sa social media platform na Douyin, ang Chinese version ng TikTok.

Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work

The real-life Spider-Girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang suwerte! First time tumaya sa lotto, naka-jackpot agad, PHP42M ang panalo

Ayon sa nanay, walang nakakaalam sa superhero skills ng kanyang anak.

Natuklasan lang niya ito nang silipin niya ang surveillance camera na kanyang inilagay sa living room.

Nakita niya sa video footage na umaakyat ang kanyang anak sa dingding mula sa sofa bago ito mag-stay sa ceiling.

Makikita rin sa video na casual na nakahalukipkip ang bata mula sa gravity-defying perch nito habang nanonood ng television.

Isa pang miyembro ng pamilya ang casual na nanonood din ng television, at hindi pinapansin ang ipinapakitang “special powers” ng bata.

Read: Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56

The real-life Spider-Girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nabingwit na isda, may ngipin na parang sa tao

Gayunpaman, sinabi ng nanay na sadyang mapangahas ang mga paraan nito ng paglalaro. Mahilig ito sa paggawa ng kung anu-anong sobrang pisikal na aktibidad.

May ilang netizens na nagpaliwanag kung bakit nagagawa ng batang babae ang pambihirang stunt.

May nagsabing posibleng magaan lang ang bata, at nagagawa nitong kumapit nang mahigpit sa tiles ng dingding.

Isang netizen ang nakapansin na hawak ng bata ang remote control ng television.

Anito, “It is clear why she climbed up... to keep the TV channel under her control.”

Read: After 16 years, Hidilyn Diaz college graduate na: “Nakakaiyak din pala. Not an ordinary day.”

The real-life Spider-Girl

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Batang Pilipina, isinusulong ng Diocese of Laoag na maging santa

Biro naman ng isa, “Check if your girl has a spider bite on her. If so, you should get the outfit made.”

Inihambing kasi ang bata sa superhero ng comic book na The Spectacular Spider-Girl, na inilathala ng Marvel at unang natunghayan ng comic fans noong 2010.

The comic book Spider-Girl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Suhestiyon ng isa pa, “You should take her to a sport climbing class. She will definitely do well.”

Ang ibang netizen na namangha sa bata ay tinawag siyang real-life “Spider-Girl.”

Komento ng isa pa sa taglay na super power ng bata, “A gift that humans have only when they are small.”

Ayon naman sa nanay ng bata, ang kanilang lugar sa Pingtan Island, isang coastal city sa Fujian province, ay masyadong humid ang klima kaya siguro nagiging mas “sticky” ang kanyang anak.

Ito rin aniya ang dahilan kaya may tiles ang dingding ng kanilang bahay para hindi kapitan ng amag.

Read: For PHP1K, malilibot ang Manila cultural hub by bus

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natuklasan lang ng nanay ng bata ang special powers nito nang mapanood ang footage sa naka-install na surveillance camera sa living room.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results