Kapag pinag-usapan ang Apple, agad maiisip ang mga revolutionary gadgets, gaya ng high-end Mac computers, MacBook, iPad, at iPhones.
Pero umaagaw ngayon ng eksena ang “ultra-rare” Apple sneakers na ibinibenta ng Sotheby’s, isang auction company sa US.
Ang presyo ng Apple shoes ay umabot na sa US$50,000 o PHP2,740,500, base sa current exchange rate.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon

Mas mahal pa ito kumpara sa pinakamahal na bagong Apple products sa kasalukuyan.
Ang sapatos ay kumpleto sa vintage rainbow Apple logo sa pinakadila at tagiliran nito.
Ang vintage rainbow Apple logo ay sinimulang gamitin noong 1977 para i-celebrate ang paglulunsad ng kauna-unahang computer ng Apple, at tumagal hanggang 1999.
Kulay white ang sapatos, custom-made ito para lang sa mga empleyado ng Apple bilang one-time giveaway sa ginanap na National Sales Conference ng kumpanya noong mid-1990s.
“Having never reached the general public, this particular pair of sneakers is one of the most obscure in existence,” nakasaad sa catalog ng Sotheby’s.

Ang Apple shoes na kasalukuyang naka-auction ay panlalaki at size 10.5. Bagung-bago pa rin ang hitsura nito, nasa original box at may kasamang ekstrang pares ng red laces.
Ayon sa Sotherby’s ay may mga signs na rin ito ng pagiging luma gaya ng paninilaw sa midsoles at glue.
May mga mantsa na rin ang kahon.
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
THE MOST OBSCURE IN EXISTENCE
Ang Apple shoes ang “third most expensive pair of sneakers for sale” ngayon sa site ng Sotheby’s.
Pinakamahal ang Nike SB Dunk Low Paris Bernard Buffets na nasa US$90,000 o PHP4,932,900.
Ang Nike x Louis Vuitton Air Force 1s naman ay nasa US$75,000 o PHP4,110,750.
Ang Apple shoes ay ginawa ng Omega Sports, at ayon sa Sotheby's ay "the most obscure in existence."
Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

Pinag-aagawan umano ito ng mga kolektor dahil hindi ito ibinenta noon sa publiko.
Ipinaalala naman ng Sotheby's sa sinumang bibili sa Apple shoes na hindi gaya ng mga sapatos sa department store, hindi na ito puwedeng isoli.
Read: Real-life “Spider-Girl” hobby ang manood ng TV habang nakadikit sa dingding
APPLE MAY IBA PANG “WHITE LABEL PRODUCTS” NOON
Bagaman at ang pagpo-produce ng sapatos ay unusual para sa Apple, noong 1986 ay gumawa rin ang kumpanya ng clothing and accessories line na tinawag na “The Apple Collection.”
Naglabas din ito ng catalog ng mga produkto.
Kabilang dito ang mugs, umbrellas, bags, keyrings, towels, pocketknife, watches at sailboard. Lahat ito ay nagtataglay ng rainbow Apple logo.
Noong 1985, nakapagbenta ang kumpanya ng mahigit 22,000 Apple T-shirts.
Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work

Ang presyo nito ngayon sa online market ay nasa US$150 o PHP8,217.30. Isa itong patunay na basta lumang Apple products ay kayang mag-command ng high price sa kasalukuyan.
Ang The Apple Collection ay tinatawag ding “white label products” na ginawa ng third-party company, gaya ng Lamy, Honda or Braun, pero ang Apple ang nagbebenta gamit ang sarili nitong branding and logo.
Read: Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56
