Isang babae sa Brazil ang na-in love sa lalaking nagnakaw ng kanyang smartphone.
Ang kanilang kakaibang love story ay idinetalye ng magkasintahan sa isang Twitter video na ibinahagi ng user na si Bender B. Rodríguez noong July 21, 2023.
Ayon sa babae na nakilalang si Emanuela, two years ago, naglalakad siya sa kalye nang biglang may umatake sa kanya at inagaw ang kanyang smartphone.
Papunta sana siya sa isang event. Sa kalyeng iyon nakatira ang snatcher, at matapos ang krimen ay para itong bula na naglaho sa dilim ng gabi.
Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
Para kay Emanuela, iyon na ang itinuturing niyang “first date” nila ng kanyang boyfriend.
Hindi naman pinangalanan ang lalaking nangholdap sa kanya.
Pero ayon sa lalaki, may naramdaman agad siya kay Emanuela nang makita niya ang mga larawan nito sa smartphone.
Pagbabahagi pa ng lalaki, may mga pinagdaraanan naman siya noon kaya magulo ang direksiyon niya sa buhay.
Wala rin siyang love life.
Aniya, "When I saw her photo on the phone, I said to myself, 'What a beautiful brunette.”
Dagdag pa niya, “You don't see a brunette like that every day, and I regretted stealing it [Emanuela’s smartphone]."
Biro ng lalaking nag-i-interview sa dalawa sa video, "So you stole her phone and then her heart?"
Sagot naman ng lalaki, "Exactly."
Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

Read: Real-life “Spider-Girl” hobby ang manood ng TV habang nakadikit sa dingding
Nagawan ng paraan ng lalaki na makuha ang number ni Emanuela sa ninakaw na smartphone.
Kinontak niya ang kanyang biktima.
Sa halip namang magalit, nag-reply nang maayos si Emanuela.
Ayon sa dalaga, napaka-creative ng paraan ng lalaki para lang makuha ang kanyang number at makipag-communicate sa kanya.
At present, two years nang nagdi-date ang dalawa.
Hindi lang malinaw kung aprub sa parents ni Emanuela na ang lalaking nagnakaw ng smartphone nito noon ang romantic partner ng kanilang anak ngayon.
Na-amaze naman ang Twitter users sa kanilang bizarre love story.
Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work

Read: Ang suwerte! First time tumaya sa lotto, naka-jackpot agad, PHP42M ang panalo
Binigyang-diin ng ilan na ang mga ganitong kakaibang kuwento ng pag-ibig ay sa Brazil lang nagaganap.
Ayon sa isang user, "Sounds like a comedy, but it's real, Brazil."
May iba naman na ang tingin sa kuwentong pag-ibig sa pagitan nina Emanuela at ng kawatan ay “rather charming.”
Naniniwala rin sila na ang pag-ibig ay umuusbong kahit saan at sa kahit anong sitwasyon.
Bulalas ng isang Twitter user, "Love can accomplish anything.”
Read: Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56
