Isa na namang masuwerteng kababayan natin ang nabago ang buhay dahil sa lotto.
Napanalunan ng isang babaeng bettor mula sa Cubao, Quezon City ang Super Lotto 6/49 draw noong June 15, 2023.
Siya ang nag-iisang nanalo kaya nasolo niya ang jackpot prize na PHP15,840,000.
Ayon sa 35-year-old lucky winner, nagtiyaga siyang tumaya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto games sa loob ng 11 taon bago tuluyang ngumiti sa kanya ang magandang kapalaran.
Read: After 16 years, Hidilyn Diaz college graduate na

Read: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam
Ang kanyang winning ticket, na may kumbinasyon na 19-03-45-22-42-32, ay tinayaan niya sa pamamagitan ng Lucky Pick (LP), o ang system-generated selection na ang computer mismo ang pipili ng anim na numero.
Read: Samantha Rojo’s board-exam journey: From 74 percent na bagsak, to 90 percent
Nakapanayam siya ng PCSO nang kunin niya ang premyo noong June 20, 2023, sa main office ng ahensiya sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Binalikang-tanaw niya ang mga naganap habang pinapanood ang lotto draw noong gabing tumama siya ng jackpot.
Aniya, "Sobrang saya ko po habang nakikita ko na isa-isang binabanggit ng host sa live draw yung mga kumbinasyon na nasa ticket ko!
“Napakasuwerte ko po dahil naranasan ko itong pangyayaring nababasa at nababalitaan ko lang noon. Maraming salamat po, PCSO.”
Read: Rems Tuyay, hindi pasado sa board exam, pero, “Iyak lang... laban ulit.”

Read: Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor
Wala rin daw siyang pagsidlan ng tuwa dahil sa nangyari.
Nang tanungin kung ano ang plano niya sa perang napanalunan, sinabi niyang ikukuha niya ng insurance ang kanyang pamilya.
Plano rin niyang palakihin ang kanyang negosyo.
Nanawagan din siya sa publiko na patuloy na suportahan ang mga palaro ng PCSO.
“Sa public po, patuloy sana nating suportahan ang mga adhikain nila [PCSO] na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagtangkilik natin sa lotto at iba pa nilang palaro.”
Read: Carmina Caparaz, summa cum laude and topnotcher, reveals struggles with imposter syndrome
Ginagarantiyahan naman ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ang personal information ng mga ito.
Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.
Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Read: Samantha Rojo’s board-exam journey: From 74 percent na bagsak, to 90 percent
