PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

12-kg Cat Mistaken for Dog

“A truly perfect cat.”
by KC Cordero
Published Aug 2, 2023
Photos of Yuliya and Kefir
Nang mabili ni Yuliya noon ang kuting pa na si Kefir ay kasinlaki na ito ng adult na ordinaryong pusa. Ngayon, kasinlaki na ito ng kanyang anak na four years old. (Photos courtesy of @yuliyamnn on Instagram)

Ibinahagi sa Instagram ni Yuliya Minina ng Stary Oskol, Belgorod, Russia, noong June 4, 2023, ang video ng kanyang alagang pusa na si Kefir.

Hindi ordinaryong pusa si Kefir dahil isa itong Maine Coon, isa sa pinakamalaki ang sukat na domesticated cat breed.

Nag-originate ang ganitong breed ng pusa sa Maine, USA.

Isa rin ito sa pinakamatandang natural breeds sa North America.

Read: Man fulfills dream of becoming a dog with realistic costume worth PHP760K

Photo of Kefir

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

Ayon sa Maine government website, ang mga katangian ng Maine Coon ay unique dahil kaya nitong mag-adapt kahit sa harsh climate.

Ang makintab nitong balahibo ay mabigat at water-resistant.

Ang malago at mahabang buntot nito, na ipinupulupot sa sarili kapag natutulog, ay kaya siyang protektahan kapag panahon ng taglamig.

Kuwento naman ni Yuliya, mas malaki pa si Kefir kaysa sa kanyang four-year-old daughter na si Anechka.

One year and 9 months na ang pusa, na isang male, at tumitimbang ng 12 kilos.

Read: 35-year-old bettor wins PHP15.8M lotto jackpot through lucky pick

Photo of Kefir

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking snatcher, na-in love sa ninakawang smartphone owner

Sa isang feature, sinabi ni Yuliya na kahit sobrang laki na ng kanyang pet ay inaasahang niyang mas lalaki pa ito nang konti.

“It’s normal for Maine Coons to keep growing up until they are three years old.

“It’s funny how others react when they see the cat because it is huge. Many people think that it’s a dog at first.”

Sa isang video ay makikita si Kefir na tumakbong palabas ng bahay matapos buksan ang pinto, at saka nag-inat sa garden.

May iba pang clips na makikitang magkakasama sa bahay sina Yuliya, ang kanyang anak, at si Kefir.

Kuwento pa ng fur mom, nang mabili niya noon ang kuting na si Kefir ay kasinlaki na ito ng adult na ordinaryong pusa. Nagustuhan niya ito dahil sa malambot at pure white nitong balahibo.

Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Photo of Kefir

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Mabait aniya si Kefir, at hindi pihikan sa pagkain.

At kung meron mang kapintasan ang kanyang pet, lagi siyang nagwawalis ng sobrang daming nalalaglag na balahibo nito sa loob ng bahay.

Kaya may mga pagkakataong ipinapa-shave niya ang coat nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Kefir

Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

Naging bisyo na rin nito na tumalon sa kanya sa gabi kapag natutulog siya.

“He didn’t do that when he was smaller, and it wouldn’t be that inconvenient. But now the cat became very big and heavy, it’s not that easy to sleep like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabuuan, ayon kay Yulina ay isang super-smart cat si Kefir.

Minsan, kasabay pa niya ito sa pagligo.

Photo of Kefir

Read: Real-life “Spider-Girl” hobby ang manood ng TV habang nakadikit sa dingding

Nararamdaman din ng cat kung ano ang mood ng amo sa bahay.

Hindi ito ngumingiyaw kaya hindi maingay.

Hindi rin ito nagkakalmot ng mga kagamitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In short, Kefir is “a truly perfect cat.”

Read: Ang suwerte! First time tumaya sa lotto, naka-jackpot agad, PHP42M ang panalo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang mabili ni Yuliya noon ang kuting pa na si Kefir ay kasinlaki na ito ng adult na ordinaryong pusa. Ngayon, kasinlaki na ito ng kanyang anak na four years old. (Photos courtesy of @yuliyamnn on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results