Sadyang pinagkagastusan ng Ukrainian model na si Anastasiia Pokreshchuk Forking ang cosmetic procedures para sa kanyang pisngi.
Ngayon, kilala siya sa social media bilang babae na may "world's biggest cheeks."
Last August 1, 2023 ay ibinahagi ni Anastasiia sa kanyang Instagram account kung ano ang hitsura niya noong siya ay 18 years old, at hindi pa naooperahan.
Malayo ito sa kanyang kaanyuan sa ngayon na 34 anyos na siya.
Ang kanyang larawan ay kuha 16 years ago.
Nilagyan ito ni Anastasiia ng caption na: "18 vs 34."
Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition

Makikita ang dramatikong pagbabago sa kanyang mukha, partikular sa kanyang prominenteng cheekbones, jawlines, at lips.

Pink na rin ang buhok ni Anastasiia ngayon, at ang balat ay ultra smooth.
Balingkinitan din ang kanyang katawan.
Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”
FOLLOWERS STILL SHOCKED ABOUT Anastasiia's transformation
Hindi na makikilala si Anastasiia kung ang pagbabatayan ay ang kanyang teenage days.
Kaya naman gayon na lang ang gulat ng kanyang followers sa social media sa kanyang naging transformation
Aminado si Anastasiia na napakaraming filler na ang naipalagay niya sa kanyang pisngi—at sa katunayan ay hindi na niya mabilang kung ilang procedures na ang kanyang naipagawa sa mukha.
Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

Read: 35-year-old bettor wins PHP15.8M lotto jackpot through lucky pick
May mga followers siyang nagsabi na sobra-sobra ang mga ipinabago sa kanyang mukha.
Maraming mas gusto nila ang natural niyang anyo.
Komento ng isang netizen, "At 18, you looked better."
Susog ng isa pa, "You were so beautiful at 18."
Pero may ilan ding nagpahayag ng suporta sa kanya.
Komento ng isang Instagram user, "The difference! You were ordinary, but now you're unique."
Saad naman ng isa, "If a woman feels so much happier and beautiful, we are not to discuss it."
Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho
MODEL HINDI BOTHERED SA COMMENTS
Pero kung nagwo-worry ang mga fans ni Anastasiia, hindi siya bothered.
Sa katunayan, nakukulangan pa siya dahil feeling niya ay ang liit-liit pa ng kanyang pisngi.
Noong July 5 ay nag-post pa siya ng video kung saan ipinakita niya ang kanyang post-operation results, at nagpasalamat sa kanyang surgeon.
Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?
Ang kanyang caption, "All the beauty that you see is all @plastikaistanbul. But I want a little more."
Nagpadagdag siya ng laki ng boobs.
Ani Anastasiia, nahirapan siyang maghanap ng "biggest implants" dahil ang large size ay hindi na pinu-produce sa Turkey.
Ang video ay mayroon nang mahigit 5,000 likes at mahigit 900 comments at press time.
Karamihan sa nagkomento ay mga fans niya na nag-aalala sa kanyang sobrang pagpaparetoke.
Pero ayon sa Ukrainian model, ang pagpaparetoke ang nagpapasigla sa kanyang buhay.
Dagdag pa niya, bukod sa kanyang pisngi, araw-araw rin na may nagsasabing maganda ang kanyang mga labi.
Read: Real-life “Spider-Girl” hobby ang manood ng TV habang nakadikit sa dingding
