PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?

Nakaka-tensiyon na sitwasyon.
by KC Cordero
Published Aug 6, 2023
Scenes from the incident
Inakala ng turista na friendly ang unggoy kaya nag-selfie siya kasama ito, pero mabilis nitong na-snatch ang kanyang purse. Nagkaroon tuloy ng tensiyon ang sitwasyon.

Ang plano sana ni Jovita Coppage, isang turista na namamasyal sa Ubud Monkey Forest sa Bali, Indonesia, ay magkaroon ng memorable selfie kasama ang isang unggoy.

Sa tingin kasi niya ay very friendly ito.

Pero bago niya napindot ang shutter ng camera ng kanyang smartphone, nangyari ang hindi niya inaasahan.

Na-snatch ng unggoy ang kanyang purse.

Read: Lalaking snatcher, na-in love sa ninakawang smartphone owner

Scene from the incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Raw vegan food influencer, namatay sa gutom at malnutrition

Naganap ang insidente noong July 22, 2023.

Ibinahagi ni Jovita ang video ng buong pangyayari sa kanyang Instagram account.

Ang video ay kuha ng kanyang kapatid na babae.

Read: Trabaho sa gobyerno ang hanap mo? Bisitahin ang CSC Job Portal

Makikita na habang hawak niya ang purse at nagse-selfie katabi ang unggoy, hinila ito sa kanya.

Nang hawak na nito ang purse ni Jovita, mapapansin na gustong buksan iyon ng unggoy.

Tinangka ng turista na kunin ang kanyang purse, pero nagdalawang-isip siya nang nagpakita ng pagiging aggressive ang unggoy, at naglabas ng mga ngipin na tila mangangagat.

Read: Pet owner, proud sa kanyang 12-kilo cat: “Many people think that it’s a dog...”

Scene from the incident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Estudyante gumagawa at nagbebenta ng maliit na bahay para matupad ang malaking pangarap

Sa ibinahaging video ni Jovita ay sinabi niyang wala sa kanyang bucket list ang manakawan ng isang unggoy sa Bali.

Bahagi pa ng caption niya, “One monkey don’t stop no show.”

Read: Lalaking pinagmukhang alien ang sarili, hindi matanggap sa trabaho

Sinabi rin niya na hindi naman siya nag-alala sakaling naitakbo nito nang tuluyan ang kanyang purse.

Ang concern umano niya ay ang mahahalagang laman nito.

Makaraan ang ilang segundong puno ng tension, maliksing nabawi naman ni Jovita ang kanyang purse.

Read: 35-year-old bettor wins PHP15.8M lotto jackpot through lucky pick

Scene from the incident

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humabol pa ang unggoy sa kanya at hinila ang laylayan ng kanyang damit, pero tumakbo rin itong palayo.

Scene from the incident

Ang insidente ay isang paalala na ang mga hayop na nasa wild ay unpredictable ang pag-uugali kahit pa sa mga tourist-friendly areas.

Para naman kay Jovita, sinubok ng insidenteng ito ang bilis ng kanyang pag-iisip at kilos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang at hindi na-agitate ang unggoy.

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inakala ng turista na friendly ang unggoy kaya nag-selfie siya kasama ito, pero mabilis nitong na-snatch ang kanyang purse. Nagkaroon tuloy ng tensiyon ang sitwasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results