Kakaiba ang pusang si Venus dahil ang kulay ng mukha niya ay kalahating black at kalahating ginger.
Isa na siyang internet sensation at may million likes sa kanyang Facebook Page, at mahigit 673,000 followers sa Instagram. Active din ang viewers niya sa YouTube.
Ang tagline niya sa social media accounts: "0% Photoshopped, 100% born this way!"
Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport

Read: Social media star na climbing ang content, patay nang mahulog sa 68-story building
Marami ang nag-aakalang fake ang kulay ni Venus at baka pinintahan lang ng kanyang fur parents, na mag-asawang naninirahan sa North Carolina.
Isang stray kitten si Venus na napulot noong July 2009.
Kakaiba ang kanyang kulay dahil isa itong "chimera cat,” na ibig sabihin ay magkaiba ang kulay ng kanyang parents.
Simply put, ang DNA sa left side ng katawan ni Venus ay totally different sa DNA ng right side, kaya mayroon itong magkaibang face coloration at eye color.
Ang pagiging isang chimera cat ay hindi breed. Isa itong genetic phenomenon na maaaring maganap sa kahit anong pusa.
Naging popular si Venus nang i-feature siya ng Reddit noong August 2012. Wala pang isang buwan, mayroon na agad siyang million likes sa Facebook at million views sa YouTube.
Read: Bata na idol si Spider-Man, nagpakagat sa black widow spider; isinugod sa ospital

Read: Jeepney driver na nakasagi ng van, binigyan pa ng bigas at groceries ng van owner
Ayon sa mga veterinarians, ang kakaibang kulay ni Venus kahit isa siyang chimera ay “a matter of luck.”
Natiyempuhan umano na sobrang perfect ang pagkakahati ng kulay sa kanyang mukha, na ayon sa mga veterinarians ay “an unusual expression of mosaicism.”
Magkaiba rin ang kulay ng kanyang mga mata—blue sa ginger side ng kanyang mukha, at green sa black side.
Ang kanyang apat na paa ay nadedekorasyunan naman ng multi-colored toe beans.
Read: Lucila Datuin, "basura" ang kalidad ng produkto noon, successful bag maker na ngayon

Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?
Isa ring celebrity si Venus.
Nag-appear siya sa The Today Show noong August 2012, at sa Fox & Friends noong July 2014.
Isinalarawan naman si Venus ng kanyang fur parents bilang sweet, gentle, and loving.
Hanggang ngayon ay parang kuting pa rin umano ito kung ngumiyaw.
Hindi rin ito nagkakalmot ng mga kasangkapan. May sarili itong scratch post.
Mahilig itong mag-sunbathing.
Read: Cancer survivor, naka-jackpot ng PHP50M as lotto bettor

Read: Mangingisda sa Cavite, nakakita ng dilaw na bato sa talaba; Perlas kaya ito?
Paglalarawan pa ng mag-asawa kay Venus, "She does not have one single bad habit. She’s perfect!”
Sinabi naman ang fur mom ni Venus na panoorin na lang ang mga videos para makitang totoo ang kulay ng pusa.
“I only wish all of the skeptics that posted on wimps saying the pic was Photoshopped went back to see the added video proof.
“That feed had almost 200,000 likes, 40,000 shares, and 11,000 comments last time I checked.”
Dagdag pa nito, “I was very shocked to see just how viral her pics had gone, and I’m not even the one who posted them anywhere.
“This has been such a neat, unexpected experience!”
Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo
