Isang lumang artikulo sa news website na Independent na nalathala noong January 16, 2016, ang muling nag-resurface matapos may magkomentong netizens kamakailan.
Tungkol ito sa isang six-year-old na batang babae na pinatawan ng ina ng “long and boring method of punishment.”
Gayunpaman, nakaisip ang bata ng paraan kung paano matatapos ang parusa nang mabilis.
Ayon sa artikulo, nakilala ang batang babae na si Isabella Collier.
Napaaway siya sa kanilang school, kaya bilang parusa, pinagsulat siya ng kanyang inang si Victoria sa isang piraso ng papel ng: “I will make better choices.”
Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”
Kailangan niyang punuin ang papel ng nasabing pangungusap.
Gusto ni Victoria na maturuan ng leksiyon si Isabella.
Sinunod naman ni Isabella ang ina.
Sinimulan niyang isulat ang pangungusap sa unang raya o linya ng papel.
Pero matapos magsulat nang maayos hanggang sa ikaapat na linya, naisip ni Isabella na may shortcut o mas madaling at mabilis na paraan para matapos agad ang kanyang punishment.
Ginuhitan niya ng ilang vertical lines ang papel.
At para mabuo ang pangungusap sa bawat linya, dinagdagan niya ang vertical lines ng mga kinakailangang dashes, shapes, at mga ekstrang letra.
Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha

Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport
Mapapansing ang salitang “choices” ay naging “choies," kung saan isang guhit lang ang ginamit niya sa lahat ng h.
Gayundin ang ginawa niya sa dalawang ll sa salitang "will," sa m at k sa "make," at sa b at dalawang t sa "better."
Ang papel na pinagsulatan ni Isabella ay kinunan ng larawan ng kaibigan ni Victoria na si Noe Arellano.
Ibinahagi ito ni Noe sa Reddit, kasama ang caption na: “My friend’s kid is going places.”
Read: Social media star na climbing ang content, patay nang mahulog sa 68-story building

Read: Lucila Datuin, "basura" ang kalidad ng produkto noon, successful bag maker na ngayon
Na-impress ang social-media users sa ingenuity ni Isabella.
Ang larawan ay agad nakakuha ng 1.7 million views.
Sinabi naman ni Victoria na bagaman at nagalit siya sa anak dahil sa pakikipag-away nito sa school, hindi na niya nagawang magalit kung paano nito ginawa ang kanyang punishment.
Humanga rin siya sa pagiging creative nito.
Aniya, “Efficiency is a value I admire, and this was truly her way of getting it done.”
Dagdag pa ng nanay, ang pagiging mapag-isip at curious ng kanyang anak ay nangangahulugang ang kanilang tahanan ay hindi boring.
“I am a lucky mom,” sambit pa ni Victoria.
Read: Unggoy nang-snatch ng purse ng turista, paano nabawi?
Isang netizen naman ang nagkomento gamit ang isang quote ni Bill Gates: “I choose a lazy person to do a hard job. Because a lazy person will find an easy way to do it."
Obserbasyon naman ng isa, si Isabella ay future software developer, “That kid is already recognizing patterns and using them to his advantage. Work smarter, not harder.”
Isa naman ang napa-throwback at nagsabing hindi pala siya nag-iisa:
“I thought I was being original—not so much.
"I had to laugh as I read this. I did something similar about 65 years ago.”
Read: Retokadang model pinakita ang shocking transformation sa "18 vs. 34" photo
