Mahirap daw para sa isang babae ang mag-decide kung ano ang isusuot sa kanyang first date.
Pero hindi naging problema para sa model na si Joy Jewell kung ano ang kanyang perfect outfit nang makipag-date sa lalaking nakilala niya sa dating site na Tinder.
Nagdesisyon siyang maging “completely naked” nang makipagkita rito.
At para magawa iyon, ang isinuot niya ay body paint na mukhang damit.
Ang incredible outfit ni Joy ay artwork ng American artist na si Jen Seidel, na kilala rin bilang si Jen the Body Painter.
Read: Lotto winner na PHP5.9M ang jackpot prize, tuwang-tuwa: "Matutupad ko na ang pangarap kong bahay.”

Dalawang oras pinintahan ni Jen katulong ang anak na babaeng si Kennedy si Joy mula ulo hanggang paa.
Ang result ay pretty incredible.
Ang naging outfit ni Joy ay blue ripped jeans at floral top.

Read: Kid's writing technique earns praises from netizens
Nagkita sila ng kanyang date sa isang local local shopping center.
Paliwanag ni Joy, "It's not my first Tinder date but it is my first painted Tinder date.
“The guy I picked is a comedian, and he's really, really, really, funny. So, I'm looking forward to meeting him and seeing his reaction.”
Feeling awesome naman siya sa kanyang outfit.
Hindi umano niya alam kung mapapansin ng kanyang ka-date na naked siya.
"I 'm kinda hoping I get to know him a little bit today and some good conversation if he's not completely distracted by the situation going on right here.
“I'm looking forward to it, and I feel covered, so I'm confident."
Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

Nang magkita na sila, nakasuot pa si Joy ng malaking coat.
Nagpaka-gentleman ang kanyang date, at tinulungan pa siyang hubarin iyon.
Nag-order na sila ng kape at naupo sa isang table.
Sinabi ng kanyang ka-date na gusto nito ang kanyang outfit.
Dagdag pa ng lalaki, noong una ay inisip nito na naked ang model.

Tumawa lang si Joy at nagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.
Nang maubos na nila ang kanilang kape ay naglakad sila sa mall.
Pero isang grupo ng kababaihan ang nakapansin na body paint lang ang outfit ni Joy.
Napansin din siya ng cameraman ng isang local media outfit, at hiniling nito na mag-selfie sila.
Finally, nagtanong ang ka-date ni Joy kung naked ba talaga siya—pero hindi niya sinagot nang direkta.
Tinanong lang din niya ang lalaki kung naked ba siya o hindi?
Sagot ng kanyang ka-date, "I don't know, I'm not a woman."
Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”
Nang matapos na ang date at naglalakad na sila patungo sa car park ay biglang umulan.
Nahulas ang body paint ni Joy!
Noon lang niya inamin sa ka-date na wala siyang ibang suot kundi pintura.
Thankful si Joy sa ulan dahil naiwasan niya ang awkward reveal.
Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha
Wala nang naging updates kung naulit pa ang kanilang date.
In-upload naman ng body painter na si Jen sa YouTube ang video ng pagpipinta niya kay Joy, at ang footage sa naganap na date.
Inamin din ng dalawa na ang ginawa nila ay isang collaboration para sa isang social-media experiment para malaman kung paano magre-react ang lalaki kung naked ang ka-date nito.
Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport
