PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon

Hindi ito ordinaryong pet adoption.
by KC Cordero
Published Aug 14, 2023
The cats
Ang mga milyonaryong pusa. Masusi ang proseso sa pagpili sa mag-aampon sa mga Persian cats, at may mga kailangang lagdaan sa korte. Mahigpit din ang mga kondisyon dahil hindi sila madaling alagaan. Bukod sa may attitude, sanay sila sa marangyang lifestyle.

Pumanaw si Nancy Sauer ng Tampa, Florida, noong November 2022 sa edad na 84.

May alaga siyang pitong Persian cats.

Ang mga pusa ang kanyang loyal companion hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Pinamanahan niya ang mga ito ng US$300,000—o PHP16,962,750.

Ibig sabihin, kung equally divided, kada pusa ay nagmana ng PHP2,423,250.

Sa news feature ng Fox News Digital noong June 28, 2023, napakarami raw gustong umampon sa mga pusa.

Ito ay ayon sa panayam kay Sherry Silk, executive director ng pets shelter na Humane Society of Tampa Bay

Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha

The shelter

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "I've gotten, believe it or not, 156 applications for these remaining six cats, which is crazy to me."

Paliwanag ni Sherry, sadyang nag-iwan si Nancy ng pera sa mga pusa para patuloy pa ring maalagaan ang mga ito, at may pera para sa kanilang pagkain, grooming, medical supplies, toys, treats, at iba pang needs nila.

Magkano man ang maging gastos, ire-reimburse gamit ang pamana.

Sinabi rin niya na ang pamana ay sobra-sobra para sa pitong pusa.

Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa make-up at shopping

QUALIFIED CARETAKER

Wala kasing pamilya si Nancy dahil ang nag-iisang anak nitong lalaki ay naunang mamatay sa kanya.

Ang pangalan ng mga pusa ay Midnight, Snowball, Goldfinger, Leo, Squeaky, Cleopatra at Napoleon.

Nakatira ang mga ito sa mansion ni Nancy.

Kuwento ng isang kapitbahay ni Nancy na si Leslie Farrell, mabait at masayang kakuwentuhan ito.

"What she really wanted was for them [cats] to be cared for."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint

One of the cats

Pitong buwan matapos pumanaw ni Nancy, isang probate judge ang nag-determine na ang caretaker na itinalaga ng hukuman para alagaan ang mga pusa ay hindi qualified.

Nangayayat ang mga pusa at unhealthy ang kanilang environment.

Dito na naging involved si Sherry at ang Human Society of Tampa Bay. Inilipat sa shelter ang mga pusa ni Nancy para mas maasikaso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May veterinarians na nag-aasikaso sa kalusugan ng mga ito. Napapaliguan din sila at nago-groom.

“They're in great shape now," ani Sherry.

Read: Lotto winner na PHP5.9M ang jackpot prize, tuwang-tuwa: "Matutupad ko na ang pangarap kong bahay.”

HINDI ORDINARYONG PET ADOPTION

Isang vet ng shelter ang nag-ampon kay Snowball. May heart condition kasi ang nasabing pusa.

Ipinaliwanag ni Sherry na hindi ordinaryong pet adoption ang pag-aampon sa mga pusa ni Nancy.

Sakop aniya ito ng mga kautusan at patakaran ng korte.

Kada dalawang buwan ay kailangang mag-report ang nag-ampon sa korte kung magkano na ang nagastos nito sa pangangalaga sa pusa.

Isa ito sa mga dahilan kaya masusi ang ginagawa niyang pag-aanalisa sa 156 na nais mag-ampon sa mga pusa.

Sanay raw kasi ang mga pusa sa nakagisnang lifestyle sa piling ni Nancy.

Read: Kid's writing technique earns praises from netizens

WHY CAN'T THE CATS STAY IN THE SHELTER?

Sa ngayon ay sama-sama muna ang mga pusa sa isang community cat room sa shelter na may access sa covered lanai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paliwanag ni Sherry, kailangang ihanap ng mag-aalaga na may sariling bahay ang mga pusa at hindi dapat sa shelter lang.

Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

One of the cats

"That's the most important thing. I believe Nancy just wanted them to be loved and cherished."

Hindi raw niya personal na kilala si Nancy. Nalaman lang niya ang tungkol dito mula sa executor ng estate na hindi pinangalanan ni Sherry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit umano sa kanya ng executor na mabait at may pagka-eccentric si Nancy—kaya hindi nakapagtatakang ang pinamanahan nito ay mga pusa.

Mayaman din ito at may koleksiyon ng mamahaling furniture, fixtures, artwork, and jewelry.

Ayon pa aniya sa executor, shopping ang second love ni Nancy—at first love naman nito ang mga alagang pusa, na na-spoiled nang sobra at may nakagisnang lifestyle na malaki ang bahay, masarap ang pagkain, regular ang check-up at grooming.

"And her big fear was that they were going to be lonely without her. So, we're going to make sure that they go to a good home.”

Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”

MAY ATTITUDE ANG MGA PUSA

Pagtitiyak ni Sherry, hindi magiging madali para sa sinumang mag-aampon na alagaan ang mga pusa.

Isa sa mga kondisyon, kailangang walang bata sa bahay.

May pagkasalbahe kasi ang mga pusa. Hindi friendly at hindi affectionate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kahit gusto ng mga ito na sinusuklayan, ayaw namang magpa-cuddle.

“There may be two of them that are going to go together, but frankly, I was surprised the cats really don't like each other."

Read: Hermès Birkin bag at mga alahas worth PHP520M, nanakaw sa airport

One of the cats

Ang sinumang mapili para mag-ampon ay kailangang lumagda sa legal agreement, na kung sa anumang dahilan ay magkaroon ng pagbabago sa kanyang buhay at hindi na niya kayang alagaan ang inampon na pusa, kailangang ibalik ito sa shelter at hindi dapat hayaang maging stray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They need to be in a home. That's the most important thing. I believe Nancy just wanted them to be loved and cherished," ani Sherry.

Read: Social media star na climbing ang content, patay nang mahulog sa 68-story building

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga milyonaryong pusa. Masusi ang proseso sa pagpili sa mag-aampon sa mga Persian cats, at may mga kailangang lagdaan sa korte. Mahigpit din ang mga kondisyon dahil hindi sila madaling alagaan. Bukod sa may attitude, sanay sila sa marangyang lifestyle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results