Si Tish, isang male goldfish na may habang 4.5 inches ang nakatala sa kasaysayan bilang pinakamatandang goldfish.
Umabot siya hanggang 43 years old, at nakapaloob sa Guinness World Records (GWR).
Ang average life span ng goldfish, na native sa China, ay nasa 10 hanggang 15 years.
Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China

Nabuhay si Tish sa isang fishbowl sa pangangalaga ng mag-inang Hilda Hand at Peter na residente ng North Yorkshire, United Kingdom.
Napanalunan ni Peter ang goldfish sa isang palaro sa peryahan sa kanilang lugar noong 1956. At that time, siya ay seven years old.
Nung maging independent na si Peter at namuhay malayo sa piling ni Hilda, ipinagpatuloy ng huli ang pag-aalaga kay Tish.
Read: Airport employee, dalawang beses nagsauli ng napulot na pera, iba pang items
THE OLDEST GOLDFISH
Taong 1998 ay nakapanayam si Hilda ng Daily Express, isang U.K. newspaper.
Tinatayang 42 years old na noon si Tish, at opisyal nang kinilala bilang pinakamatandang goldfish sa buong mundo.
Nang tanungin kung bakit mahaba ang buhay ng alagang goldfish, ani Hilda, “He has had a healthy diet, and has always enjoyed a peaceful place to live.
Biro pa niya, “He’s a pensioner, just like us, and needs to take things more slowly.”
May kasamang isa pang goldfish sa kanyang bowl si Tish, si Tosh.
Isa ring male goldfish si Tosh, pero namatay ito noong 1976 sa edad na 19.
Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon
TISH's NEAR-DEATH EXPERIENCE
Noong 1988, 10 years bago siya kilalaning oldest goldfish in the world ay muntikang namatay si Tish.
Tumalon siya palabas ng kanyang bowl, at nalaglag sa sahig na may carpet.
Nagkataong wala noon sa bahay si Hilda.
Nang makita niya si Tish na pupusag-pusag sa sahig, wala siyang idea kung gaano na ito katagal na wala sa tubig.
Agad niya itong dinampot at ibinalik sa bowl.
Read: Heart Charm Necklace ni Barbie, dalawang beses nang sold-out

Pagkalagay umano niya kay Tish sa tubig, agad itong lumangoy na parang walang nangyari.
Mabuti na lang at wala silang pusa o aso na alaga. Otherwise, baka nakain si Tish.
Mula noon, nilagyan ni Hilda ng net ang ibabaw ng bowl.
Read: VIRAL: Nagreklamong customer dahil sa presyo ng noodles vs nang-insultong vendor
NAGING SILVER ANG KALISKIS
Ayon pa sa panayam kay Hilda, mula sa pagiging gold ay naging silver ang kulay ng mga kaliskis ni Tish nang tumanda na ito.
Aniya, kumbaga sa mga mammals, nagiging white hair o uban ang mga buhok kapag nagkaka-edad na.

Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa make-up at shopping
Namatay si Tish noong August 6, 1999, isang taon matapos kilalaning oldest goldfish in recorded history.
Nananatiling hawak nito ang naturang record hanggang ngayon.
May mga anekdota tungkol sa isang goldfish na nabuhay sa China nang mahigit 50 taon, pero hindi tulad ni Tish, wala itong authenticated reports para mapatunayan.
Bago nakuha ni Tish ang record, ang oldest verified goldfish ay si Fred, na pag-aari ng isang A.R. Wilson mula sa Sussex.
Nabuhay si Fred nang 40 years, at pumanaw noong 1980.
Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint
Samantala, inihayag ng GWR na ang edad ng isda ay hindi maaaring ma-verify sa pamamagitan ng biological tests—pero wala umanong “something fishy” sa claims tungkol sa record ni Tish kaya ni-recognize ang status nito.
Nang araw naman na pumanaw si Tish, nakita na lang siyang walang buhay sa ilalim ng kanyang bowl.
Inilagay siya sa isang yoghurt carton, at inilibing sa isang bahagi ng garden ni Hilda—na hindi na nag-alaga ng panibagong goldfish mula noon.
