Ang kumbinasyon ng mga puno ng Douglas fir at ng hybrid larch ay nakalikha ng giant smiley emoticon sa Highway 18 na nasa pagitan ng Grand Ronde at Willamina sa Oregon.
Ang Douglas fir ay miyembro ng pine family, at pinagkukunan ng high quality wood.
Ang hybrid larch ay malalaking puno na nagbabago ang crown kapag spring, autumn, and winter.
Nag-trending ang giant smiley emoticon matapos mag-circulate sa social media ang mga larawan nito noong August 11, 2023.
Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years

Ayon kay David Hampton, ang nagtanim ng mga puno, madalas siyang kagalitan noon ng kanyang ama tungkol sa tamang pagpuputol ng mga puno.
Dapat daw, hindi mukhang sinalaula.
Dapat ding aesthetically pleasing ang forest na kanilang pag-aari.
Dito nila kinukuha ang mga puno para gawing tabla, na produkto ng kanilang kumpanya, ang Hampton Lumber.
Sinabihan pa raw siya ng ama na pag naputol na ang mga puno, baka puwedeng pintahan na lang ang kinaingin na lugar ng green dye habang hindi pa tumutubong muli ang mga puno para hindi mukhang kalbo.
Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan
ANG KONSEPTO NG GIANT SMILEY
At nang pumanaw ang ama ni David noong March 2006, sa edad na 80, agad nitong sinimulan ang pangakong pagagandahin ang forest.
Katulong ang kanyang staff, nagtanim sila ng Douglas fir trees na magsisilbing mga mata at bibig, at pinalibutan ng hybrid larches na predominantly yellow.
Nang lumaki na ang mga puno, ang resulta ay ang giant smiling face at naging visible noong 2011.
Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China

Read: Airport employee, dalawang beses nagsauli ng napulot na pera, iba pang items
Pagbabahagi ni David, “People get so excited about it. It brings joy to folks, in this crazy time that we are in.
“For us, it was a way to have some fun and a little frivolity.”
Pagsasalarawan niya sa kanyang proyekto, “It’s symmetrical. It doesn’t have a droopy eye.”
Hindi rin niya inasahan na ganito ang magiging resulta, at inakala pa niya noon na baka maging weird ang kalabasan.
“We just planted it and let it go. It’s been awesome.”
Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon
NAGING LANDMARK ANG GIANT SMILEY
Ang smiley face ay may diameter na 300 feet.
Sa loob ng mahigit sampung taon ay naging landmark na ito ng Hampton Lumber.
Dahil sa giant smiley, hindi mahirap hanapin ang kanilang lugar.
Read: Heart Charm Necklace ni Barbie, dalawang beses nang sold-out

Read: VIRAL: Nagreklamong customer dahil sa presyo ng noodles vs nang-insultong vendor
“It was in our GIS [geographic information system]. There it was, and its number came up.”
Naabot na rin ng mga puno na bumubuo sa smiley ang tinatawag na “rotation age” o mahigit 50 years old.
Paliwanag ni David, kapag sumapit ang mga puno sa edad na 50, kahit patuloy pa itong lumalaki at malusog ay handa na rin ito para putulin at gawing tabla—saka naman sila magtatanim ng kapalit ng bawat napuputol na puno.
Pagdating aniya sa sustainability ng Humpton Lumber, ang kanyang goal ay maging creative and innovative hangga’t maaari.
Paliwanag niya, “It’s incumbent on this industry to have a sustainable harvest or we are out of business.”
Kaya bukod aniya sa ligayang hatid ng giant smiling face sa mga tao, “Specifically, we make sure we planted this correctly.”
Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa make-up at shopping
