Love and marriage knows no age.
Ito ang pinatunayan ng 70-year-old bride na si Amelia nang magdesisyon itong mag-“I do” sa kanyang kababata na si Felix, na higit 60 years na niyang hindi nakikita.
Former teacher at businesswoman si Amy, taga-Bulacan; habang naka-base naman abroad si Felix.
Nag-reconnect sila kailan lang sa pamamagitan ng social media, at makalipas ang ilang buwan ay umuwi si Felix ng Pilipinas upang makita nang personal ang kanyang “childhood crush.”
At hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa dahil matapos lamang ang ilang buwan ay nagdesisyon na silang lumagay sa tahimik.
"Nung una, linggo-linggo ang pag-uusap. Nang lumaon, naging araw-araw na," sabi ng bride na si Amy sa ulat ng GMA News.
"Kaya yun ang sinabi ko, 'Ba, iba na ito, ha. Hindi na ito friends.'"
Sabi naman ng groom, nagsimula sila sa messaging, tapos ay naging audio ang usapan nila, at kalaunan ay naging video na.
Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face
Si Nico De Luna, may-ari ng Elite Wedding Creatives, ang naatasang mag-asikaso ng kasal, at malugod naman niya itong tinanggap.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nico, at bakas sa kanyang mga pahayag ang excitement na makahawak ng one-of-a-kind love story.
Aniya, “When I received the inquiry from one of her [the bride] niece, I was surprised. Nakaramdam agad ako ng connection with the story.”
At bakit nga hindi, it’s not everyday that you see older people getting married, at first time lang ni Amy!
Kaya’t hindi nakapagtatakang agad pumatok sa social media-platforms ang short video ng kasal na ipinost ng kumpanya ni Nico.
Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 3.6 million views, 275,800 heart reactions at 13,600 shares sa Tiktok; 2.6 million views, 107,000 reactions, at 7,200 comments naman ang engagement nito sa Facebook.
@eliteweddingcreatives True LOVE waits!???? #eliteweddingcreatives #kmjs #fyp #foryou #foryoupage ? original sound - Elite Wedding Creatives
NETIZENS REACT
Humakot ng positibong komento ang video ng kasal nina Felix at Amy mula sa netizens.
Karamihan sa kanila ay mga single na “nabuhayan” ng loob dahil patunay umano ang istorya ng dalawa na “true love waits.”
"May pag-asa pa," sabi ng isa.
Komento ng isang Tiktok user, “mabubuhayan na naman tayo ng pag-asa mga single belllsssss...”
May isa namang nagbahagi ng kanyang childhood love story.
Pahayag ng netizen, published as is: “my husband is my Elementary Classmate..after graduation 1996.. no communication.. and then we meet again year 2008 reunion.. and that's the start”
Hindi naman maaawat ang dagsa ng mga netizens na napa-“sana all” sa happy-ever-after ng bagong kasal.
Umapaw din ang mga pagbati ng “Congratulations at best wishes."
Read: How Pinoy student impressed Harvard University; gets full scholarship from 5 U.S. universities


