Nag-adopt si Rai Valenzuela ng aso noong isang taon para may makasama siya sa kanyang pag-eehersisyo at iba pang physical activities.
Madalas kasi niyang mabasa at mapanood na ang pag-aalaga ng aso ay maraming hatid na health benefits, gaya ng pagpapababa ng stress and anxiety levels.
Ang naampon niyang aso ay isang female St. Bernard.
Pinangalanan niya ito ng—hold your breath—Bernardita.
Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face
Pero pagtatapat ni Rai sa artikulong inilathala ng The Dodo, isang website tungkol sa mga hayop, noong August 16, 2023, ibang klase ng lifestyle ang inihatid sa kanyang buhay ng kanyang pet.
Bulalas niya, “She makes me drink!”
Matapos umano niyang maampon si Bernardita, isinasama na niya ito sa paglalakad sa paligid ng kanilang bahay sa Santiago, Chile.
Minsan, isinama niya ito sa isang local bar.
Habang umiinom siya ng beer at cocktail, napansin niyang nag-e-enjoy si Bernardita sa ibinibigay ritong atensiyon ng iba pang customers sa bar.
Na-in love dito ang mga umiinom at kumakain.
Maganda at well-behaved naman kasi ang kanyang alaga.
Ini-order pa niya ito ng sariling snack—na saglit lang nitong nilunok.
Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years

Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan
Na-enjoy ni Rai ang pagpunta-punta sa natuklasan niyang watering hole—at siyempre, lagi niyang kasama si Bernardita.
Hanggang sa napansin na lang niyang napapadalas na ang kanilang pagpuntang mag-amo sa bar.
At hindi siya ang nagdedesisyon kundi si Bernardita.
Kuwento ni Rai, kapag inilabas niya sa bahay ang alaga para maglakad-lakad, puwersahan siyang hinihila nito papunta sa bar.
Aniya, “She’ll start pulling me there.”
Kahit may iba umano siyang plano, ang ending, si Bernardita ang nasusunod.
“I’ll be wanting to go shopping at the store, and she stubbornly leads me to the bar.”
Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China

Read: Airport employee, dalawang beses nagsauli ng napulot na pera, iba pang items
At kapag nasa loob na sila ng bar, ayaw nitong umalis hangga’t hindi siya umo-order ng kanyang beer at ng snack nito.
Kaya ang siste, kahit ayaw uminom ni Rai ay napipilitan siya.
Aniya, “She's a ruin to my wallet.
“Bernardita gets what she wants. There’s no way you can pull that dog away.”
Ibinahagi rin niya na may mga pagkakataong kapag pumayag na itong lumabas sa paborito nitong bar, hihilahin pa ni Bernardita si Rai sa kalapit na bar.
“She likes bar-hopping,” sambit ni Rai.
Read: Rowdy customers in Laguna resort apologize: “Tinamaan po kami ng alak.”

Read: Magkapatid mula sa Tuguegarao, wagi sa international math and science Olympics
Gayunpaman, hindi lang bar-hopping lang ang pastime ng mag-amo.
Mayroon din naman silang healthy activities.
Ani Rai, “We walk about 10 kilometers a day.”
Masarap aniya ang maglakad sa kanilang area.
“This is an awesome city, full of parks, nice sidewalks, and trees. And cold beers...”
Kaya kahit “bad influence” sa kanya ang alaga, deklara ni Rai, “Bernardita is the happiest dog on Earth—and the best drinking buddy.”
Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon
