PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Namatay na magkasintahan, ikinasal sa araw ng kanilang libing

Paniwala ng kanilang mga pamilya, sila talaga ang forever
by KC Cordero
Published Aug 24, 2023
Photos of BJ and Mecay
Dahil naniniwala ang mga pamilya ng namatay na may forever para sa magkasintahan kahit sumakabilang-buhay na sila, ikinasal pa rin ang dalawa bago inihatid sa kanilang huling hantungan. (Photos courtesy of Russel Simorio GMA)

Malungkot ang naging wakas ng pag-iibigan ng magkasintahan na sina Bernard De Mesa Jr., 22, mas kilala bilang BJ, at Mechaella Parel, 20, na mas kilala bilang Mecay.

Ang dalawa ay parehong residente ng Sta. Maria, Pangasinan.

Nasawi ang magkasintahan matapos maaksidente sakay ng motorsiklo sa Barangay Pilar sa kanilang lugar.

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

Galing ang dalawa sa dinaluhang birthday party.

Sa ulat ng Sta. Maria Police, madulas ang kalsada noong July 30, 2023, kung kailan nangyari ang aksidente.

Noong araw na iyon, birthday rin ni BJ.

Posible umanong sumemplang ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang biktima na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok

Photo of BJ and Mecay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

Batay sa imbestigasyon, unang namatay si BJ at sumunod si Mecay.

Ayon sa ina ni BJ na si Janice De Mesa, four years nang kasintahan ng kanyang anak si Mecay.

Kung hindi naganap ang aksidente, magtatapos na sana si BJ sa college next year, at plano nitong i-pursue ang pagiging piloto.

Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?

Nag-aaral naman ng criminology si Mecay.

Inilibing ang magkasintahan noong August 9.

Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa

The officiating pastor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Remembering Babette Villaruel

Nagdesisyon ang pamilya nina BJ at Mecay na ipakasal ang dalawa.

Ayon kay Janice, ang pagpapakasal sa dalawa kasabay ng libing ng mga ito ay suhestiyon ng pamilya ni Mecay.

Ani Janice, “Kaya wala po kaming hesitations sa gusto ng side ni Mecay."

Naniniwala rin sila na sina BJ at Mecay talaga ang forever.

Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

Sa sementeryo na rin ginanap ang pag-iisang dibdib ng pumanaw na magkasintahan.

Isang pastor ang nag-officiate dahil hindi pinayagan ng Simbahang Katoliko na ikasal ang dalawa.

Sa ulat ng GMA News noong August 17, ipaliwanag ni Rev. Fr. Bayani Flores ng St. Joseph The Worker Parish, Sigay, Ilocos Sur, na hindi kinikilala ng simbahan ang kasal ng mga namatay na.

Ayon sa pari, "Ang kasal ay hindi para sa patay kundi para sa buhay.

“Ang kasal kasi, need ng consent ng bawat isa kasi tatanungin sila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil naniniwala ang mga pamilya ng namatay na may forever para sa magkasintahan kahit sumakabilang-buhay na sila, ikinasal pa rin ang dalawa bago inihatid sa kanilang huling hantungan. (Photos courtesy of Russel Simorio GMA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results