Ang latest trend ngayon sa TikTok kung saan binabasag ng parents ang itlog ng manok sa ulo ng anak na bata pa ay binatikos ng mga medical experts.
Napakalaki anila ng pinsala na magagawa ng pagbabasag ng itlog sa ulo ng isang bata.
Sa mga TikTok videos, na karamihan ay gumagamit ng hashtag na #eggprank, ay makikita ang isang parent na kasama ang batang anak sa kusina.
Kukuha ang parent ng hilaw na itlog at sasabihin sa anak na babasagin nilang dalawa iyon.
Pero sa halip na sa kawali o sa bowl basagin ang itlog, ipinupukpok iyon sa ulo ng bata.
Ang iba naman ay mag-partners o mag-asawa.
Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

Read: Namatay na magkasintahan, ikinasal sa araw ng kanilang libing
At naging viral ang ganitong TikTok videos kahit pa makikitang dahil sa ginawa ng parent ay napaiyak ang bata, napahiya, o kaya ay natulala matapos pagbasagan ng itlog sa kanyang ulo.
Sa isang video ay makikitang dahil sa labis na pagka-upset ng bata ay binato nito ng itlog ang parent.
Noong August 23, 2023, iniulat ng NBC na ang mga videos na gumamit ng hashtag na #eggprank ay nakakuha na ng mahigit 670 million views.
Ilan sa mga videos ang nakakuha na rin ng tig-six million views.
Gayunpaman, nagbabala ang mga medical experts na ang naturang prank ay may side effects—kabilang dito ang pagkasugat ng ulo ng bata at pagkalat ng germs.
Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok
Sinabi ni Dr. Meghan Martin, isang pediatric emergency medical consultant sa Johns Hopkins All Children's Hospital sa Florida, na hindi siya fan ng egg prank.
Isa ring TikTok creator si Dr. Martin na may 1.3 million followers.
Komento niya sa egg prank video, “This is not something that benefits kids in any way, and I honestly don't find it entertaining.”
Paliwanag pa niya, "We're literally smacking salmonella on their foreheads.”
Idinagdag din niya na kapag nagkasakit ang bata gaya ng stomach bug o food poisoning dahil sa egg prank, mahirap itong painumin ng fluids.
Malamang aniya na kailanganing dalhin ito sa ospital para sa IV fluids para huwag ma-dehydrate.
Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?
Sinabi naman ni Amanda Mathers, isang pediatric occupational therapist, na sinubukan niya sa kanyang sarili ang egg prank.
Aniya, kahit fully developed na ang kanyang skull, nahirapan siyang basagin ang itlog.
"And I almost felt a shock of, like, tears behind my eyes just trying to slam that egg into my head."
Para naman kay Rebecca Burger-Caplan, isang clinical director ng child, adolescent, and family services sa Mount Sinai Hospital sa New York, kung isang beses lang naman ginawa ang egg prank, posibleng wala itong long-term complications.
Pero bakit natin kailangang magbaka-sakali para lang sa isang posibleng mag-viral na video?
Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa

Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo
Marami sa netizens ang nagpahayag ng disgusto sa kasalukuyang trend.
Ano raw matututunan ng mga bata tungkol sa respect, consent, trust, and physical aggression kung pinagbabasagan ng itlog ang ulo ng mga ito?
Ang higit umanong disturbing sa bagay na ito ay isa lang itong challenge—isang unusual behavior na ang layunin ay magpatawa ng ibang tao gamit ang walang kamalay-malay na bata.
Wala pang pahayag ang TikTok tungkol sa egg prank.
Read: Remembering Babette Villaruel
