PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years

“I won't know if someone found this, but I hope it is found!"
by KC Cordero
Published Aug 29, 2023
The message in a bottle
Sa kabila ng nakaparami at napakabilis na paraan ng komunikasyon ngayon, ang mensahe na inilagay sa loob ng bote at itinapon sa dagat ay naging daan para mabuo ang isang natatanging pagkakaibigan.

Sa panahong ito na sobrang bilis ng teknolohiya, isang kakatwang paraan ng komunikasyon ang naganap sa dalawang estranghero na malawak na dagat ang pagitan.

Noong August 16, 2023, naglilinis si Frank Bolger sa dalampasigan ng 14th Street Beach, Wildwood, New Jersey, kasama ang kanyang misis na si Karen at apo na si Autumn, nang makakita siya ng bote na may lamang papel sa loob.

Read: 93-year-old man finally a groom; marrying his TOTGA after 64 years

Photo of Frank and his family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya sa news website na IrishCentral, "We found the bottle in some seaweed right at the water's edge.

"We had to take it home to get note out it was jammed in the bottle so tightly."

Ang liham sa loob sa ng bote ay sulat-kamay at may petsang July 17, 2019.

Ang nilalaman ng mensahe: "Greetings from Ireland.

"I have thrown this bottle into the sea for someone to find another day. Maybe it's traveled down to Africa or to Iceland!

“I won't know if someone found this, but I hope it is found!"

"Aoife" ang inilagay na lagda ng nagpadala ng message in a bottle.

Read: "Uupo ka na lang at iiyak": Panalong slogan ng all-in-one funeral package sa Cavite

“MESSAGE IN A BOTTLE,” NAG-VIRAL

Ibinahagi ni Frank sa The Wildwood Sun by the Sea magazine ang bote at ang liham.

Ibinahagi naman ng magazine ang larawan ng bote at ng message sa Facebook Page nito last August 20 sa pag-asang ma-trace ang sender.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

The FB post about the bottle

Agad nag-viral ang napulot na bote ni Frank.

Nakarating ito sa atensiyon ng residente ng Bray, Ireland na si Aiofe Byrne.

Ayon kay Aiofe, nanonood ng balita sa TV ang kanyang ama, at bahagi ng news ang tungkol sa bote na kanyang inihagis sa dagat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinawag siya nito at doon niya nalaman na may nakapulot na sa kanyang mensahe.

Read: TypeKita: bagong app para sa mga type maging writers

SENDER, NA-EXCITE; FRIENDS FOR LIFE NA SILA NG NAKAPULOT

Dahil may detalye tungkol sa nakapulot, nagpadala si Aiofe ng email kay Frank.

Pagbabahagi naman ni Frank, nasorpresa siya pero medyo skeptical nang matanggap ang email ni Aiofe.

"I emailed her back and said, 'Can you send me some pictures and some writing samples?'"

Read: Most Beautiful Transgender of Thailand talks about "normal life" as wife to wealthy businessman

Sinunod naman siya ni Aiofe, at nakumbinsi si Frank na ito nga ang pinagmulan ng message in a bottle.

Ayon naman kay Aiofe, sobra siyang na-excite nang malamang may nakapulot na sa bote.

The message

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapat pa niya, "I am kind of obsessed, well, very interested in messages in bottles, to be honest.

"I was on the beach in Bray, County Wicklow, with an ex-partner of mine.

"I'm a songwriter so I had my notebook with me that day, and I found this little bottle and knew I had to put a message in it, and I threw it straight into the middle of the sea.

"I didn't expect it to make it to America, I thought it would end up down south or up north."

Read: Pinay architect Mitchelle Ignacio, isa sa designers ng ‘second tallest’ skyscraper in the world

The sender and her father

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last August 25 ay nagkausap na sa telepono sina Frank at Aiofe.

Nagpadala rin si Aiofe kay Frank ng larawan nilang mag-ama.

Hindi sila makapaniwala sa naging paraan kung paano nagkrus ang kanilang mga landas.

"Friends for life" na ang turing ni Frank kay Aoife.

Kasama na sa bucket list nila ng misis na si Karen ang mabisita si Aiofe at ang ama nito sa Ireland.

Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng nakaparami at napakabilis na paraan ng komunikasyon ngayon, ang mensahe na inilagay sa loob ng bote at itinapon sa dagat ay naging daan para mabuo ang isang natatanging pagkakaibigan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results