Ano ang gagawin mo kapag ang bangkay ng iyong namayapa ay napagkamalang bangkay ng iba at na-cremate?
Ito ang nangyari sa naiwang pamilya ng yumaong Singaporean na si Kee Kin Tiong, 82.
Bukod sa nangyaring mix-up, ang funeral rites na ibinigay kay Kee—na isang Taoist—ay para sa isang Catholic.
Namali kasi ng kuha ng bangkay ang isang employee ng isang funeral service noong December 30, 2019.
Ang pamilya ngayon ni Kee ay nagsampa ng kaso at humihingi ng milyun-milyong danyos perwisyo (general damages) sa mga responsable sa pag-cremate ng bangkay ni Kee.
Ang hinihinging danyos ng pamilya ni Kee ay 225,000 Singaporean dollars o US$165,000 (katumbas ay PHP9.4 million).
Ang mga labi na kukunin dapat ay kay Mr. Chia Soon Chuan, pero ang nakuha ay ang bangkay ni Kee, ulat ng Channel News Asia (CNA).
Read: "Uupo ka na lang at iiyak": Panalong slogan ng all-in-one funeral package sa Cavite
Dahil sa pagkakamali, hindi tuloy nakapagpaalam nang maayos ang mga naiwan ni Kee, at hindi rin ito nabigyan ng Taoist funeral rites.
Walang dudang masakit na karanasan ito para sa isang pamilyang namatayan.
Ang mga nagrereklamo ay binubuo ng mga anak ni Kee at apo niyang babae.
Bukod sa S$225,000, humihingi rin ang pamilya ni Kee ng S$2,257.70 (PHP94,000) para sa psychiatric consultations at S$14,000 (PHP586,000) para sa “future grief therapy.”
Ibig sabihin, aabot ng higit PHP10,000 million ang kabuuang danyos ang hinihingi ng pamilya ni Kee.
Dahil sa pangyayari, naka-experience raw ang pamilya ng “mental distress, trauma, at persistent complex bereavement disorder.”
Binanggit sa kanilang affidavit na “living hell” ang sinapit nila nitong mga nakalipas na taon.
Read: 93-year-old man finally a groom; marrying his TOTGA after 64 years
HOW THE WRONG BODY WAS RETRIEVED
Pinangalanan ang apat na akusado: ang Tan Khiam Soon Undertaker (funeral business para sa burol at cremation); Century Products Company (embalsamador); si Nicholas Ang Kai, ang empleyadong kumuha ng maling bangkay; Harmony Funeral Care (employer ni Nicholas at gumamit sa embalming studio).
Sa affidavit ng complainants, binanggit na namatay si Kee noong December 29, 2019.
Ang Tan Khiam Soon Undertaker ang kumuha at nag-asikaso sa pag-e-embalsamo sa bangkay ni Kee.
Dinala ang bangkay at in-embalsamo sa embalming studio ng Century Products Company.
Samantala, inutusan naman si Nicholas Ang Kai ng employer niyang funeral service (Harmony Funeral Care) na kunin sa embalming studio ang bangkay ni Chia para ma-cremate.
Ang nakuha niyang bangkay ay katawan ni Kee at hindi bangkay ni Chia.
Sabi naman ng mga abogado ni Nicholas, dalawang buwan pa lamang siya nagtatrabaho “and was not given any formal training or standard operating procedures.”
Sabi naman ng abogado ng pamilya ni Kee, napagkaitan sila ng pagkakataong mag-final goodbye at maiburol nang maayos si Kee dahil umano sa kapabayaan ng embalming studio at ni Nicholas.
Isinama rin ang breach of contract ng Tan Khiam Soon Undertaker.
Humarap na sa korte ang apo ni Kee, si Adeline Kee, na dumanas daw ng mental issue lalo pa't di raw nakitaan ng pagsisisi ang mga inirereklamo nila.
Katuwiran ni Adeline, ayon sa Taoist tradition, ang pumanaw ay dapat ipinagluluksa muna ng tatlong araw bago i-cremate.
Sa kanilang kultura, kapag hindi nabigyan ng tamang procedure ang namatay, “the soul will still remain in the body.”
Habang isinusulat ito ay patuloy ang pag-usad ang kaso.
