Namatay si Naima Liggon, 16, ng Waldorf, Maryland, USA, matapos saksakin nang dahil lang sa fast-food dipping sauce.
Naganap ang insidente nitong August 27, 2023.
Hindi pinangalanan ang suspek na kasing-edad ni Naima at residente rin ng Waldorf.
Hawak pa ng suspek ang patalim nang maaresto ito ng mga awtoridad.
Read: Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years
Sa utos ng isang judge ng Washington, D.C., Superior Court, dinala ang suspek sa isang secured juvenile facility habang dinidinig ang kaso.
Nahaharap ito sa kasong second-degree murder.
Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts
Sa ulat ng Fox News noong August 29, bandang 2:10 a.m., ay isang grupo ng mga kabataan na lulan ng isang sasakyan ang huminto sa isang McDonald outlet na nasa U Street and 14th Street Northwest, Washington.
Galing ang grupo sa Maryland, at dadalo sa isang party sa D.C.
Sa ginanap na juvenile hearing noong August 28, napag-alamang nagkaroon ng argumento sa pagitan nina Naima at ng sumaksak sa kanya habang nasa loob sila ng sasakyan.
Ang dahilan: Ang sweet-and-sour dipping sauce ng kanilang biniling snacks.
Read: Namatay na magkasintahan, ikinasal sa araw ng kanilang libing
Hindi pa nakalalayo noon ang grupo ng mga kabataan sa fast-food chain, nang bumaba sa sasakyan si Naima at ang nakasaksak sa kanya. Ipingapatuloy daw ng dalawa ang pag-aaway.
Ayon sa isang defense attorney, sinaksak ng suspek si Naima sa likod bilang self-defense.
Pinabulaanan naman ng mga prosecutors ang claim ng defense attorney at sinabing batay sa surveillance footage, tapos na ang away at pabalik na sa sasakyan si Naima nang saksakin ito ng suspek.
Isinugod si Naima sa Howard University Hospital, pero idineklara siyang dead on arrival sanhi ng mga tinamong saksak sa tiyan at dibdib.
Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones
Sa panayam ng Fox 5 sa ina ni Naima na si Joy, malapit na sanang maging master barber ang kanyang anak.
Katatanggap lang din aniya kay Naima sa isang doughnut company bilang specialist, at naghahanda na para kumuha ng driver’s license.
Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?
Malaki ang impact ng “senseless loss” ni Naima sa kanilang pamilya, mga kaibigan, at community.
Hindi na rin aniya mararanasan ni Naima ang mag-attend ng prom, magtapos sa high school at college, at magkaroon ng asawa at mga anak.
Nang araw na napatay si Naima ang first day ng bagong school year sa Thomas Stone High School sa Waldorf, kung saan siya nag-aaral.
Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok
