Isang lumang video ang muling kumalat at nag-viral sa TikTok noong May 30, 2023.
Makikita rito ang isang lalaki na nasa loob ng kulungan ng isang leon.
Nakaupo siya sa isang bato, at mapapansing kinakausap ang hayop, na ilang pulgada lang ang layo sa kanya.
May pagkakataon pa ngang naidlip sandali ang lalaki sa bato.
Read: Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years

Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa
Makalipas ang ilang sandali, humakbang ang leon at tila sasalakayin na ang lalaki, pero biglang tumayo ang huli at naglakad-lakad.
Dahil sa ginawa ng lalaki, tila na-confuse ang leon at hindi na lang itinuloy ang kanyang pag-atake, pero nanatili itong within striking distance sa estrangherong nasa kulungan.
Ilang sandali pa, sumenyas ang lalaki at itinuro sa leon ang isang direksyon.
Nakapagtatakang lumayo sa lalaki ang leon at maglalakad sana papunta sa direksyong itinuro sa kanya.
Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

Read: Kumbinasyon ng dalawang klase ng puno sa Oregon forest, nakalikha ng giant smiley face
Gayunpaman, bumalik ang leon sa kinaroroonan ng lalaki at umakmang aatake muli, but again, huminto ito.
May mga tao sa labas ng kulungan na nagsisigawan sa takot na biglang sunggaban ng leon ang lalaki.
Batay sa ulat ng Odishatv.in, isang news website sa India, naganap ang insidente noong October 2019 sa isang zoo sa Delhi.
Napag-alaman na ang lalaki ay si Rehan Khan, 25, at may diperensya sa pag-iisip.
Mabuti na lang, bago siya malapa ng leon ay nailigtas na siya ng staff ng zoo.
Kinailangan lang saksakan ng pampatulog ang leon.
Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years

Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan
Kahit 20 feet ang taas ng kulungan ng leon, nagawa ni Rehan na makaakyat at makatalon sa bakod.
Wala siyang injury sa katawan matapos ma-rescue.
Ayon kay Indian Forest Services (IFS) official Susanta Nanda, na nag-share ng video sa X {formerly Twitter) last August 24, kaya hindi agad inatake ng leon si Rehan ay dahil na-confuse ito sa lalaki.
Lasing kasi si Rehan, at nalanghap ng leon ang aroma ng alak.
Sensitive ang cat family sa mga amoy, at ayaw ng mga ito ang aroma ng alcohol, fresh herbs, rosemary, at thyme.
Hindi rin gusto ng mga ito ang amoy ng saging, mustard, lavender, at eucalyptus.
Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China
