Nagbitiw si Moss Green sa pagiging English teacher para sundin ang kanyang passion—ang maging sirena.
Thirty-three years old na si Moss.
Originally, isa siyang United Kingdom citizen na nag-settle sa Sicily, Italy, kung saan nagsimula siyang magturo ng English subject noong 2016.
Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Sa ulat ng ABP News Bureau, isang news company sa India, noong July 1, 2023, nagsimula ang idea ni Moss na maging sirena nang minsang makakita siya ng isang turista na naka-costume bilang "magical merman" habang umaahon mula sa dagat sa isang local beach.
Pagbabahagi ni Moss, “And then he dived in again, but what came out, it wasn't legs, it was actually a tail.
“It was really magical to see on the secluded beach.
“At that moment, it became really clear to me that mermaiding was what I wanted as a new hobby.”
Dagdag pa niya, “It was a bit different, and I could do it alone."
Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”
Pero eventually, ang kanyang hobby ay naging career.
Nag-enroll siya sa isang mermaid school at sumailalim sa professional course para maging sirena.
Kelangan din niyang matutunan ang iba’t ibang diving tricks.
Nagtuluy-tuloy na ang kanyang “mermaiding journey."
Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce

Pinag-aralan niya kung paano pipigilan ang paghinga habang nakalubog sa tubig.
Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines
Makalipas ang dalawang taon, sa pamamagitan ng Instagram, nakatanggap siya job offer, na agad niyang sinunggaban kahit ang kikitain ay mas mababa kumpara sa pagiging teacher.
Naging propesyon niya ang pagiging sirena.
Read: TypeKita: bagong app para sa mga type maging writers

Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts
Katwiran ni Moss, mas masaya siya ngayon at walang pinagsisisihan sa kanyang ginawang career change.
Aniya, "It's enough to live on, and I'm doing something I love.
“At the end of the day, that's all that matters at the moment.”
Hindi rin muna niya iniisip kung ano ang kanyang magiging future.
“For now, I'm getting my feet in the door of the mermaiding world, and it's an art form, so I know it's not going to pay a lot to begin with."
Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

Read: Namatay na magkasintahan, ikinasal sa araw ng kanilang libing
Ibinahagi ni Moss na ang una niyang experience bilang mermaid ay nakakatakot at exciting.
Pero kapag suot niya ang buntot ng sirena habang lumalangoy, mas ramdam niya ang pakikipag-ulayaw sa dagat at sa kalikasan.
Nakarating na rin si Moss sa iba’t ibang bansa bilang bahagi ng tourism campaigns.
Bukod sa pagiging attraction, ang mga tulad ni Moss ay hina-hire sa mga tourist spots para mag-educate ng mga turista tungkol sa marine wildlife, at para makatulong sa pagpapalaganap ng responsible behavior kung paano mapapanatili ang kalinisan sa mga dagat at karagatan.
