Ano ang magiging reaksiyon mo kung isa kang food-delivery rider at nakatanggap ka ng message ka ng ganitong message mula sa isang customer: "Kuya, buntis po ako."
Susundutin mo ba ito ng tanong na: “Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
O di kaya, “E, ano ngayon?”
Pero ibang level ang immediate reply ng rider na nag-deliver ng food ni Pia Reyes Garde, isang digital content creator.
Ipinost ni Pia ang ginawa niyang video clip na naglalaman ng screenshots ng palitan niya ng messages sa food-delivery rider.
Ang konteksto, on the way na ang rider para i-deliver ang food ni Pia, na ilang buwan nang buntis ngayon.
“Kuya, buntis po ako,” mensahe ni Pia sa rider.
Mabilis ang naging tugon ng rider sa content creator (published as is), “ay hindi po ako ang ama niyan mam.”
Nag-insert din ng video ng kanyang sarili si Pia para ipakita ang kanyang reactions sa messages.
Napakunot-noo muna at pagkatapos ay natawa si Pia sa message ng rider.
Paglilinaw naman ni Pia sa rider, “Ay hindi po, kuya. HAHAHAHA. Ipapadiretso ko lang sana sa parking [yung delivery].
“Hindi kayo ang ama [laughing emoji].”
Sumagot ang rider, “ano ba yan [laughing emoji]”
Read: Cadet wears dad’s delivery rider uniform in graduation party

Ang post na ito ni Pia sa Tiktok noong August 23, 2023 ay mayroon nang 1.4 million views.
Ipinost din ito sa Instagram, at sumagot ang delivery and ride hailing app service sa incident.
Comment nito: “Sana cravings satisfied si baby kahit may pinakabang kuya rider”

NETIZENS REACT
Tawang-tawa naman ang netizens sa post ni Pia.
Medyo nakakakaba at nakakagulat kasi para sa isang lalaki ang mensahe ni Pia.
May nagkomento na nagde-deliver lamang daw ang rider, nagkaresponsibilidad siya bigla.
Sabi ng isa pa, nag-overthink daw si kuya.




May ilan namang nagkomento na dapat kumpleto ang ipapapadalang mensahe para hindi ma-misinterpret...o mag-cause ng gulat o kaba.


