Hinarang ng mga pulis ang isang kotseng bumabagtas sa highway patungong bayan sa Norfolk, Nebraska sa U.S. noong August 30, 2023.
Ini-report kasi sa Norfolk police na ang lumang Ford Crown Victoria ay may pasaherong hayop.
Hindi inakala ng mga pulis na malaking hayop pala—isang 998-kilogram na Watusi bull—ang nakasakay sa kotse.
“They [police officers] thought that it was going to be a calf, something small or something that would actually fit inside the vehicle,” ani Reiman sa ulat ng News Channel Nebraska (Northeast).
Ang Watusi bull ay isang modern American breed cattle na ang stand-out na katangian ay ang malalaking sungay nito.
Makikita na ang kotse ay in-alter para mabigyan ng espasyo ang cattle. Tinanggal din ang bubong ng sasakyan para magkasya ang napakalaking bull.
Pinigilan ng mga pulis ang kotse at ipinaliwanag sa driver—si Lee Meyer—ang mga traffic violations nito, tulad ng obstructive view.
Ang pangalan ng Watusi Bull ni Lee ay si Howdy Doody.
“The officer wrote him some warnings,” paliwanag ni Reiman.
“There were some citable issues with that situation. The officer chose to write him a warning and ask him to take the animal back home and leave the city.”
Nagmaneho naman pauwi si Lee kasama ang kanyang baka.
Read: Taal Lake Sea Snake 5x more venomous than cobra

Ang Watusi bull na si Howdy Doody ay suki ng mga parada sa kanilang lugar.
Viral ang balitang ito sa international scene.
Maraming animal lovers ang kumontra at sana raw ay pinayagan si Lee at ang kanyang baka dahil wala naman sila sinasaktan.
Ang iba, pinuri ang pagiging behave ng baka habang bumibiyahe.
Read: VIRAL: PWD's traumatic experience with TNVS driver
HOWDY DOODY THE WATUSI BULL IS A LOCAL CELEB
Sa isang follow-up report, maituturing na “local celebrities” si Lee at ang alaga niyang si Howdy Doody sa Neligh, isang siyudad sa Nebraska.
Para sa mga nakakikilala kina Lee at Howdy, hindi kagulat-gulat ang makitang namamasyal sila sakay ng kotse.
Sabi ng asawa ni Lee na si Rhonda Lee, papunta sana ang dalawa sa isang small town parade.
Suki raw sina Lee at Howdy Doody ng mga parada sa Neligh City, at marami ang nagpapa-picture sa kanila.
Nag-alala pa nga si Rhonda at ang anak nito nang mapabalitang hinarang ng mga pulis sina Lee at Howdy. Inakala raw nilang makukulong ang dalawa.
Bagamat kontra raw noong una si Rhonda nang bilhin ng kanyang mister ang cattle, kalaunan ay naging bahagi na ito ng kanilang pamilya.
"The amount of money that he's spent on this whole darn project between the car and the bull I could've had a brand new kitchen," sabi ni Rhonda sa interview ng US92 radio station.
May paglilinaw pa si Rhonda sa interview ni Rick Karle WVTM 13: “We want the public to know that Howdy Doody loves getting into that car.

Ang bull na si Howdy Doody at si Lee Meyer
“Our bull is not sedated and not drugged—we do not force him into the front seat.
“Yes, we do have a trailer that he rides in, but during parades he enjoys sitting in the front seat. The kids love it."
"Think about it, if Howdy Doody didn’t want to get in the front seat, no one is going to make him do so.”
