PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral: Babae Hindi Pinay Pinakamalupit

“No Makulit.”
by KC Cordero
Published Sep 20, 2023
Photo of forbidden malunggay tree
Mukhang hindi naman nagdadamot ang may-ari ng puno ng malunggay, kailangan nga namang lumaki muna ito. Yun nga lang, specified na mga Pinay ang mahilig pumitas sa dahon ng kanyang tanim.

Kinatuwaan ng netizens ang isang Facebook post na nagbabawal sa mga Filipina na pitasin ang dahon ng malunggay.

Nag-trending kasi sa Facebook ang larawan ng tanim na malunggay na maliit pa lang ang puno.

May nakakabit dito na karatula, at ang nakasulat (published as is): “Filipina…Pls no picking malunggay. Still young, this tree.”

Photo of forbidden malunggay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Amazing basketball journey of Dennis Schroder: Madalas ma-trade sa NBA, nawalan ng kontrata, MVP sa 2023 FIBA

Sa karatula ay may emphasis pa na: “No Makulit.”

Naglagay rin ang nagkabit ng karatula sa malunggay ng: “Thank you.”

Batay sa mga Facebook posts, nag-originate ang larawan ng malunggay na may karatula sa United Arab Emirates.

Hindi naman mahirap intindihin ang mensahe ng karatula.

Nakikiusap ang may tanim sa ating mga kababayang Pinay na huwag munang pipitasin ang mga dahon ng malungggay dahil masyado pang bata ang puno.

Read: Hostage nagpa-picture sa hijacker: “It has to be the best selfie ever."

“GUILTY” ANG MGA TITA MONG MAKULIT

Dahil naka-quote ang “No Makulit,” ibig sabihin ay may pagka-pasaway ang mga tita nating nasa UAE.

Sabagay, hindi naman natin sila masisisi. Ang sarap kasi ng malunggay na sahog sa mga putaheng Pilipino.

Sabi nga ng isang nagkomento, papaya na lang ang kulang at may tinola na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order

Photo of tinola

Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo

Hindi na-offend ang mga Pinay sa naturang post, at very funny ito para sa kanila kahit sila ang in-specify na culprit—short of saying na guilty sila sa pangyayari.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunpaman, may ilang Overseas Filipino Workers ang nagsabing maging ang mga Sri Lankans ay tirador din ng malunggay.

Komento pa ng isang kababayan na nasa UAE, “What to do, malunggay is life.

“Yung ibang Indians, nagagalit pag namimitas ng dahon mga Filipino kasi yung drumstick naman ang kinakain nila.

“So, pag walang dahon, hindi namumulaklak at namumunga ang malunggay.”

Pagbabahagi pa niya, “Maraming puno ng malunggay sa UAE ang may karatula na specifically mentioning the Pinoys.”

Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

MALUNGGAY, ISANG MIRACLE TREE AT SUPER FOOD

Ang malunggay, na may scientific name na moringa oleifera, ay tinaguriang “superfood.”

May mga natural na sangkap ito na may benepisyo sa katawan at mas marami ang sustansiyang dulot kumpara sa ibang prutas at gulay.

Itinuturing din ito bilang "miracle tree" ng mga siyentipiko dahil sa taglay na mga bitamina at mineral na mabisang lunas laban sa maraming uri ng karamdaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dahon ng malunggay ay mayaman sa calcium, iron, phosphorus, at vitamins A, B, at C.

Ang mga bitaminang ito ay mga kilalang antioxidants na mabisang panlaban sa stress, nakapagpapalakas ng immune system, at nakapagpapabata.

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

Photo of malunggay

Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga health benefits din ang mga bunga at iba pang bahagi ng puno nito.

Marami ring health products ang ginagawa mula sa malunggay gaya ng vitamin pills at juice.

Pero bago ka ma-excite mamitas ng mga dahon nito, siguraduhing sa iyo ang puno o di kaya ay may permiso ang nagtanim ng puno.

Read: Aral mula sa story ng magkapitbahay na nasira ang pagkakaibigan dahil sa WiFi at Netflix passwords

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mukhang hindi naman nagdadamot ang may-ari ng puno ng malunggay, kailangan nga namang lumaki muna ito. Yun nga lang, specified na mga Pinay ang mahilig pumitas sa dahon ng kanyang tanim.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results