Marami pa rin ang hindi naniniwala na totoong may tumatama sa lotto.
Isa na rito ang babaeng taga-Cavite na by some twist of fate ay isa na ngayong milyonarya dahil sa lotto.
Tinamaan kasi niya sa SuperLotto 6/49 jackpot para sa August 15, 2023 draw ang PHP15.85 million, kalahati ng jackpot prize na PHP31.7 million.
Ang kanyang winning combination ay 01 – 05 – 09 – 12 – 14 – 30.
Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto
Sa news bulletin na ini-upload ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa official Facebook Page ng ahensiya last September 19, sinabi ng bagong milyonarya na noon ay hindi talaga siya naniniwala sa lotto.
Read: English teacher na naging pulubi, nakabangong muli!

Read: VIRAL: Karatulang nagbabawal sa mga Pinay na pumitas ng dahon ng malunggay
Pero ngayong tumama siya, “Tunay na nagbago ang aking perspektibo at paniniwala sa lotto at PCSO.
“Napapanood ko noon sa TV yung lotto draws, pero never kong naisip na meron nga talagang nananalo rito.”
Bulalas pa niya, “Hindi ko alam ako na pala yung susunod na tatama.”
Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan
Ibinahagi rin niya na nagsimula lang siyang tumaya sa lotto two years ago.
Ang kanyang winning combination ay ibinase umano niya sa araw ng kapanganakan ng kanyang mga kapamilya.
Kuwento niya, “Akala ko na joke lang mga jackpot winners. Noong nakita ko agad yung resulta sa koteho [cotejo], nabigla ako at nagbihis agad para kunin ang aking napanalunan sa PCSO.”
Sambit pa niya, “Ngayon, alam ko na ang pakiramdam! Totoo pala ang lotto at ang mga nagke-claim ng jackpot prizes."

Read: Hostage nagpa-picture sa hijacker: “It has to be the best selfie ever."
Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.
Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo
Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.
Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order
