PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada

May magandang rason kaya siya nagtatrabaho sa Canada.
by KC Cordero
Published Sep 22, 2023
Mahirap lang ang kalagayan ng tribu ni Eric Manu sa Ghana, kaya ipinagpapatuloy niya ang pagiging hardinero sa Canada.

Year 2012 nang manirahan si Eric Manu sa Canada. Mayroon na siyang asawa at isang anak na lalaki.

Originally, taga-Ghana si Eric.

Noong 2013, pumanaw ang kanyang tiyuhin na si Dat—ang “king” ng kanilang Akan tribe, na nasa village ng Adansi Aboabo No. 2, sa Ghana.

By birth right, si Eric ang tagapagmana ni Dat. Wala kasi itong anak na lalaki.

Read: Scientist na-decode ang language ng mga ibon; ano ang ambag ng giant bird mask sa experiment"

Photo of Eric

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babaeng akala ay "joke" lang ang jackpot winners sa lotto, suwerteng nanalo

Kaya kinailangan niyang umuwi sa Ghana para gampanan ang kanyang responsibilidad bilang bagong hari at pinuno ng kanilang tribu.

Ayon kay Eric, ang nangyari sa kanya ay isang napakalaking karanasan na kailangan niyang yakapin nang may passion.

“It’s something of my heritage, my culture, and traditions.”

Hindi siya sa naturang tribu lumaki dahil ang kanilang pamilya ay sa city naninirahan.

Noon din lang niya nakita ang mga katribu.

Nasa 6,000 ang populasyon ng kanyang nasasakupan.

Read: English teacher na naging pulubi, nakabangong muli!

ANG BAGONG HARI AY ISANG HARDINERO

Matapos naman niyang maiayos ang paglilipat sa kanya ng kapangyarihan bilang bagong hari ng kanilang tribu, nagbalik si Eric sa Canada ,at ipinagpatuloy ang dati niyang hanapbuhay—ang pagiging hardinero.

Kabilang sa kanyang mga gawain ang landscaping.

Read: VIRAL: Karatulang nagbabawal sa mga Pinay na pumitas ng dahon ng malunggay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ng “CTV News,” ibinahagi ni Eric na sinasabi sa kanya ng mga taong nakaka-recognize sa kanya na alam ng mga ito na isa siyang chieftain dahil napanood siya sa TV nung nag-assume siya bilang hari ng kanilang tribu.

Eric with co-worker

Tanong sa kanya ng mga ito, bakit siya naghahardinero?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag niya sa mga ito, dapat unawain ng mga tao ang kanyang pagpapakababa.

At basta nasa Canada siya, masaya siyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang hardinero ng kanyang boss.

Read: Amazing basketball journey of Dennis Schroder: Madalas ma-trade sa NBA, nawalan ng kontrata, MVP sa 2023 FIBA

BAKIT MAS PINILI NG HARI NA MAGING HARDINERO

Nang unang dumating si Eric sa Canada, nagtrabaho siya kay Susan Watson na nagpapatakbo ng isang foundation na tinatawag na “To The Moon and Back.”

Si Susan din ang may-ari ng The Landscape Consultants kung saan employed si Eric bilang hardinero.

Sa pamamagitan ni Susan, matapos ang koronasyon, ay nakapagpadala si Eric sa kanyang tribu ng shipment na puno ng school supplies, mga damit, laptops, at maging medical supplies.

Read: Hostage nagpa-picture sa hijacker: “It has to be the best selfie ever."

Eric with his tribe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order

Sa katunayan, bumiyahe pa si Susan sa Ghana para saksihan ang koronasyon ni Eric.

Habang nasa tribu, naobserbahan ni Susan na, “They're beautiful inside and out, and they have absolutely nothing.”

Nalaman din ni Susan na mas gusto ng mga katribu ni Eric na nasa ibang bansa ito dahil miserable ang buhay nila roon.

Kung nasa ibang bansa umano ang kanilang hari, mas kikita ito at makakapag-provide ng kanilang mga pangangailangan.

Ani Susan, larawan ng kahirapan ang buong tribu ni Eric.

“The clinic only has a midwife and a few nurses. There is no doctor on site.”

Umaasa naman si Eric na ang kanyang kikitain mula sa pagiging hardinero sa Canada ay magagamit niya para sa healthcare ng kanyang mga katribu.

Gusto rin niyang pagbalik sa Ghana ay makapag-uwi siya nang mas marami pang equipment at supplies para sa edukasyon ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo

PLANO PARA SA KANYANG TRIBU

Alam ni Eric kung paano napapabayaan ang mga villages sa Africa.

Limitado ang access ng mga mamamayan sa medical care at magandang edukasyon.

Plano niyang i-rehabilitate ang lumang istraktura ng kanyang tribu at palaganapin ang kanilang turismo.

Bilang isang skilled gardener sa Canada, gusto rin niyang payabungin ang kanilang natural resources at turuan ang mga tao na magtanim para magkaroon ng income.

Kaya naman patuloy siya sa pagiging hardinero kahit isa na siyang hari.

Eric with his boss

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

Ani Eric, “Some people are surprised that a chief is working and cutting their hedges.

“People have to be humble. Even a chief can be doing this kind of job. I’m not going to change my attitude. I’ve been simple from day one.”

Madalas din siyang magdaos ng fund-raising programs sa tulong ng mga kakilala at kaibigan para sa kanyang tribu.

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahirap lang ang kalagayan ng tribu ni Eric Manu sa Ghana, kaya ipinagpapatuloy niya ang pagiging hardinero sa Canada.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results